Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chryzquin Yu

Chryzquin Yu rising star ng Blvck Entertainment

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NANGGULAT sa kanyang performance ang pambato ng Blvck Entertainment Production Inc., si Chryzquin Yu nang mag-perform ito pagkatapos ng media conference proper kamakailan sa Noctos Bar, Quezon City.

Ipinakilala ng mga boss ng Blvck Entertainment Production, Inc. na sina Engineer Louie at Grace Cristobal ang kanilang pinakabagong solo artist, si Chryzquin. 

Si Chryzquin ay isang multi-media artist sa ilalim ng Blvck Entertainment at Blvck Music. Napatunayan niya ang sarili na may galing at puwersa na dapat isaalang-alang sa industriya ng entertainment.

Kilala sa kanyang mga kahanga-hangang kasanayan bilang isang mahusay na performer, nagsimulang magpakita ng talento sa sayaw at pagkanta si Chryzquin sa murang edad. Nagsimula ito sa Talentadong Pinoy Kids ng TV5 at Dance Kids ng ABS-CBN.

Kalaunan ay lumaban din siya sa Your Moment, Eat Bulaga Bida Next, World of Dance PH, at Girl on Fire sa It’s Showtime. 

Nagbago lamang ang direksyon ng kanyang karera nang maging miyembro ng all girl group, ang Blvck Flowers, na siya ang lead rapper at main dancer. 

At ngayong nagsolo na si Chryzquin lalo niyang naipakita ang galing sa pagkanta at pagsasayaw na talaga namang ka-boom kapag gumalaw na sa entablado.

Bagama’t naantala ang kanyang debut dahil sa isang aksidente, hindi iyon naging dahilan kay Chryzquin para panghinaan ng loob. Bagkus lalo niyang sinanay ang sarili para lalo pang mapaghusayan ang talento. 

Pagkatapos ng ilang buwan ng matinding pagsasanay, nagbabalik si Chryzquin dala ang kanyang determinasyon at lakas ng loob. Nakabuo ng isang awiting tiyak na lalong magpapakita ng kanyang husay.

Bago ito’y kinilala si Chryzquin sa ilang K-pop fan event, na nanalo sa 2023 Best Rapper award sa KPOP Static KPOP Cover Artist Awards at ang kanyang presensya sa PPOP Awards 2023, ay naging dahilan para makuha ang titulong Star of the Night. 

Maliban sa kanyang musical pursuits, isa siyang matagumpay na commercial model at isang multi-awarded dancesport athlete. Ang pag-aaral sa UST ay hindi rin niya pinabayaan bagkus, binalanse niya ang artistikong karera sa pag-aaral at karera sa pagkanta.

Kaka-release lang ni Chryquin ng kanyang debut single sa ilalim ng Blvck Music, ang ’Di Na” (tampok si Jake Piedad) sa mga music streaming platform at mas maraming kanta na malapit nang lumabas. Ang ‘Di Na music video ay idinirehe ni Louie Ong ay maaaring i-stream sa pamamagitan ng YouTube at ginawang posible ng Alkaviva Waters Philippines, GLC Infinite Waters International Co., Grace Electronics Philippines, Blue Green Dragon Marketing, LG Realty Development, Bear Dots at Blvck Creatives Studio.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …