Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Faith Da Silva Libid Grand Santacruzan

Santacruzan buhay na buhay sa Binangonan: Libid Grand Santacruzan sa Mayo 4 na

MASUWERTE si Faith Da Silva dahil siya ang napilli ng mga taga-Binangonan lalo ang mga taga-Brgy. Libid para maging Reyna Elena sa kanilang Libid Grand Santacruzan na magaganap sa May 4, 2025, Linggo, 4:00 p.m..

Buhay na buhay ang tradisyong Santacruzan sa Binangonan na sinimulan at pinamumunuan noon at hanggang ngayon ni Gomer Celestial.

Masuwerte ang mga taga-Binangonan dahil dito nila nakita ang mga naggagandahan at may mga pangalang artista na lumahok sa kanilang Santacruzan. Ang mga ito ay sina  Marianne Dela Riva, Tina Monasterio, Ana Roces, Jessa Zaragoza, Paola Peralejo, Rica Peralejo, Judy Ann Santos, Lindsay Custodio, Beth Tamayo,  Alma Concepcion, Kaye Abad, Krista Ranillo, Jody Sta. Maria, Bea Alonzo, Maggie Wilson, Glaiza de Castro, Empress Schuck, Yna Asistio, Jackie Rice, Gabbi Garcia, Zonia Ysabel Mejia, Kate Valdez, Patty Mendoza, Kyline Alcantara, Pauline Mendoza, Arra San Agustin, at Ysabel Ortega.

Ngayong 2025, espesyal ang Santacruzan dahil ipagdiriwang ang kanilang ika-50 taon ng Libid Grand Santacruzan kaya asahan ang mga grandyosang arko na pinalalamutian ng iba’t ibang uri ng bulaklak na pinatitingkad ng maririkit na sagala na naggagandahan sa kanilang mga kasuotan.

Malalim ang paniniwala ng mga taga-Brgy. Libid sa Mahal na Santa Krus na taon-taon ay nagbibigay ng parangal at pasasalamat sa bawat biyayang naipagkakaloob ng kanilang patron.

Hindi kasi maikakailang may kakaibang biyaya ang nababalot sa Santacruzan ng Brgy. Libid. Sa kasaysayan, sinasabing sinuman ang naaanyayahang maging Reyna Elena ay lalo

pang yumayabong ang karera.

At ngayong ika-50 taon muling ipamamalas ang mga ginintuang pagtatanghal kasama ang Reyna at Konsorte ng Santacruzan na sinimulan noong taong 2019.

Ang Reyna at Konsorte ng Santacruzan ay isang makulay at idea rin ni Gomer.

Ayon kay Brgy Chairman Gil “Aga” Anore, natatangi ang Sagala o Santacruzan ng Brgy.

Libid sa buong bayan ng Binangonan kaya mas minabuting gamitin ang titulong Reyna at Konsorte ng Santacruzan dahil ito ay bukod tangi sa ibang patimpalak ng mga karatig-barangay.

Walang question and answer portion, ipamamalas lamang nila ang kani-kanilang angking ganda at kaguwapuhan, irarampa ang grandyosong Filipiniana at Barong na gawa ng mga lokal na designer at mananahi. At higit sa lahat, para maipagmalaki ang kanilang pangalan at pinagmulan.

Sa Presentation ng Reyna at Konsorte ng Santacruzan 2025 noong April 13, Linggo na ginawa sa Cafe de Lawa na pag-aari ni Ms Eloisa Disierto Sta Ana, rumampa ang may kabuuang 32 Reyna at Konsorte  at tunay na nanggagandahan at nagguguwapuhan nga ang mga ito.

Dumalo rin sa presentasyon si Brgy Captain ng Libid Gil ‘Aga’ AnoreMs Her Gonzaga Galang, author ng Binangonan: Sagisag, Sining at Kasaysayan ng Aking Sinilangang Bayan, at Ms Rhea Ynares, alumna ng Santacruzan-Reyna Emperattiz 1999.

Ang Santacruzan ng taga-Binangonan ay ipinagdiriwang taon-taon bilang pagbibigay-parangal sa Mahal na Santa Krus.

Layunin ng pagtatanghal na maipakilala ang makulay at mayamang kultura, tradisyon, at turismo ng Barangay Libid at bayan ng Binangonan. Kabilang dito ang Kubol (isang

estrukturang arko na may krus na gawa sa adobe na isinasagawa ang lutrina – isang

tradisyon ng mga Katoliko na umaawit ng papuri para sa Mahal na Krus), Kalbaryo (isang burol sa Brgy Libid na noon ay may krus na gawa sa kahoy ngunit nasira noong tinamaan ng malakas

na kidlat. Sa kasalukuyan ay may nakatayong bakal na krus na dinarayo ng mga mananampalataya lalo na tuwing Mahal na Araw), at higit sa lahat, ang Simbahan ng Santa Ursula na idineklara noong Marso 2, 2025 bilang isang National Cultural Treasure.

Kasama rin sa ika-50 pagdiriwang ang Cotillion de Honor, sayaw ng dangal at tradisyon. Ito ay isang pormal at engrandeng sayaw na karaniwang tampok sa mga debut. Mula sa choreography ni Charlie de Guzman, ang maharlikang sayaw ay handog bilang pagbibigay-pugay sa ginintuang pagdiriwang ng Grand Santacruzan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …