Saturday , April 26 2025
Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa Mahal na Araw sila ay sarado sa Huwebes at Biyernes Santo habang may engrandeng pagsalubong naman ang magaganap sa Easter Sunday sa GH Mall, Estancia Mall, Tiendesitas, The Strip, at Circulo Verde.

Bukas ang mga malls mula 10:00 AM – hanggang 10:00 PM ngayong Lunes Santo hanggang Miyerkoles Santo at sarado na sa April 17 (Maundy Thursday) at April 18 (Good Friday) bilang paggalang sa Mahal na Araw at magbabalik sa April 19 (Black Saturday) at abangan ang masayang palaro sa Easter Sunday.

Naghanda ang Ortigas Malls ng masasayang palaro para sa Easter Sunday mula sa egg hunts ay makikita rin ang mga paborito ng mga bata na cartoon characters.

Sa GH Mall bida si Doraemon sa Happy Easter Meet and Greet event. Magkakaroon din ng singing, dancing, games at Easter egg hunt na puwedeng salihan ng buong pamilya.

Magaganap naman mula 1:00 ng hapon ng Easter Sunday ang palaro sa Estancia Mall kasama si Masha and the Bear.

Bunny hop naman ang makikita sa Tiendesitas Mall para sa kanilang egg-citing day.

Eggsploring Egg Hunt ang magaganap sa The Strip at Circulo Verde para sa kabataan mula 4:00 PM hanggang 6:00 ng gabi na may palarong egg painting, mini rides, at meet and greet sa kanilang fluffy Easter bunny.

About hataw tabloid

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …