Wednesday , May 7 2025
Pandesal Forum

FFCCCII pangungunahan pagpapaganda ng Jones Bridge at Chinatown 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

KAABANG-ABANG ang napakagandang project ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) kaugnay ng 50th Anniversary Philippine China Diplomatic Relations.

Ayon kay dating FFCCCII president Dr. Cecilio K. Pedro na isa ring prominent industrialist at philanthropist, dapat abangan sa June 9 ang gagawin nila sa Jones Bridge hanggang Chinatown.

Ani Dr. Pedro sa Pandesal Forum na ginawa sa Kamuning Bakery na pag-aari at pinangunahan ni Wilson Lee Flores, pagagandahin nila ang Chinatown. 

Nauna na ‘yung ginawa ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa Pasig River Esplanade sa Intramuros. At ang second part is to beautify the Jones Bridge,” masayang pagbabalita ni Dr. Cecilio. 

Nakita nga ang ganda ng Pasig River Esplanade nang magbigay-pugay ang Unang Ginang Liza Araneta- Marcos sa moda at pagkakayari ng Filipino na pinagtagpi para sa kapakinabangan ng mga atletang Filipino. Dumalo ang Unang Ginang sa Gintong Sinag: Hinabi ng Lakas, Ginawa nang may Pagmamalaki, isang fundraiser fashion show sa Pasig River Esplanade sa Intramuros, Manila kamakailan. Ang fashion show ay brainchild ng kilalang Filipino designer, si Avel Bacudio na nagtampok sa mga Olympic medalist na sina Carlos Yulo, Aira Villegas, at Nesthy Petacio.

Sinabi pa ni Dr. Cecilio na, “We will install lots of laser lights so that this coming June 9 we will start to showcase, we will show everyone that we can make Jones Bridge truly beautiful. And we can attract tourists to Jones Bridge and visit Chinatown along the way.

“We will also install lights in Chinatown thats part two. Hopefully tuloy-tuloy ang project including the Intramuros. So all of this will be done in celebration of our 50th Anniversary Philippine China Diplomatic Relations,” pahayag pa ng dating pangulo ng FFCCCII.

Kaya naman asahan ang maliwanag, mas magandang Binondo. At lahat ng iyan ay mangyayari dahil na rin sa inisyatiba ng FFCCCII.

Binanggit din ni Dr. Pedro na pangungunahin din nila ang paglilinis ng Pasig River. “We will clean the Pasig River. Magkakaroon na tayo ng canal tour. Hindi ba sa ibang bansa mayroon niyan? May tour, dinner cruise, kailangan pagandahin, linisin ang Pasig River, ‘yan ang next project pa namin. 

“From new bridge to Jones Bridge to MacArthur Bridge, tatlong bridges iyon. We will combine these three bridges to make it into a clean space for tourism,” pahayag pa ni Dr Pedro. 

Sinabi pa ni Dr. Pedro na para mas maging kaaya-aya pa ang naturang lugar, inililipat din ang mga squatter na nasa Intramuros. 

Kapag maganda na ‘yan, mas marami na ang pwedeng mamasyal. Talagang marami ang maa-attract. Maganda talaga ang bridge lalo na kapag itinayo na ang laser lights kapag umandar na lalo pang gaganda. At mas marami na rin ang magsu-shoot ng pelikula roon,”  sabi pa ni Dr. Cecilio.

Natanong si Dr. Pedro ukol sa pagpo-produce ng pelikula at nasabi nitong wala roon ang kanyang focus. “Hindi siguro kasi nasa negosyo kami, investment, makapagbigay ng trabaho. Maraming problema ang bansa natin kaya roon tayo focus kung saan tayo magaling at mas makatutulong.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fyang Smith JM Ibarra Nova Villa Bodjie Pascua Ces Quesada Sylvia Sanchez Picnic Nathan Studios

Picnic tagos sa puso, Mother’s Day offering ng Nathan Studios

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez  NAGBABALIK ang Nathan Studios sa Picnic, isa na namang groundbreaking at moving na pelikula …

Bibeth Orteza Ricky Davao Coney Reyes

Bibeth, Coney inalala pagbibigay ng rose ni Ricky na inutang pa sa tindero

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST sa Facebook account ang aktres at direktor na si Bibeth Orteza ng black …

Jimmy Bondoc Rodrigo Duterte

Kanta ni Jimmy Bondoc kay Digong nag-viral

RATED Rni Rommel Gonzales POPULAR na male singer na nagpasikat ng kantang Let Me Be The …

Sam Verzosa

SV positibong kakampi ang Manilenyo

RATED Rni Rommel Gonzales TUMATAKBONG independent candidate si Sam “SV” Verzosa bilang alkalde ng Maynila. Pero hindi …

Ali Asistio

Vivamax actor Ali Asistio walang limitasyon sa paghuhubad 

MATABILni John Fontanilla MASUWERTE ang si Ali Asistio dahil sunod-sunod ang pelikulang ginagawa niya sa Vivamax. Kasama si Ali …