Monday , April 28 2025
Arrest Shabu

Sa Bataan at Bulacan
P.742-M shabu, ‘damo’ nasabat, 5 HVI nalambat

SA IKINASANG serye ng mga anti-illegal drug operation, nasakote ng mga awtoridad ang limang high-value individual at nasamsam ang halos kalahating milyong pisong halaga ng hinihinalang ilegal na droga sa mga lalawigan ng Bataan at Bulacan, nitong Sabado, 22 Marso.

Sa Brgy. Sto. Domingo, Orion, Bataan, nagsagawa ng buybust operation ang pinagsanib na operatiba mula sa Orion MPS at Provincial Police Drug Enforcement Unit-Bataan PPO dakong 4:15 ng madaling araw, na nagresulta sa pagkakadakip sa isang 28-anyos suspek na kinilalang si alyas John, na naaktohang nagbebenta ng hinihinalang shabu, nakasilid sa isang heat-sealed plastic sachet.

Sa pagrerekisa sa suspek, natuklasan ang isang malaking knot-tied plastic bag, dalawang medium heat-sealed sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, at ang marked money na ginamit sa transaksiyon.

Tinatayang nagkakahalaga ng P408,000 ang 60 gramo ng hinihinalang shabu na nasamsam mula sa suspek.

Samantala, dakong 8:30 kamakalawa ng gabi, nagkasa ng anti-illegal drug operation ng mga tauhan ng San Jose Del Monte CPS sa Brgy. Muzon South, sa nabanggit na lungsod.

Isinagawa ang operasyon sa ikatlong palapag ng isang gusali na humantong sa pagkakadakip sa apat na indibiduwal na kinilalang sina alyas Jay, 23 anyos; alyas Mark, 23 anyos; alyas Vince, 22 anyos; at alyas Neris, 25 anyos, pawang mga residente sa naturang lungsod.

Nasamsam ng mga awtoridad sa operasyon ang 1,500 gramo ng hinihinalang marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P300,000; kasama ang limang gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P34,000.

Nakompiska rin ang isang pakete ng binilot na tuyong dahon ng marijuana, isang transparent plastic container na may tuyong dahon ng marijuana, isang glass container na may lamang hinihinalang kush, limang heat-sealed plastic sachet ng marijuana, isang brick ng pinatuyong marijuana, at iba’t ibang drug paraphernalia.

Pahayag ni PRO3 Regional Director, P/BGen. Jean Fajardo, ang mga operatiba sa rehiyon ay walang humpay sa pagsisikap sa kampanya laban sa ilegal na droga na sumasalamin sa pangako na labanan ang mga krimen na may kaugnayan sa droga at lansagin ang mga network na nagdudulot ng banta sa kaligtasan ng publiko.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng pulisya ang mga naarestong indibiduwal na nakatakdang sampahan ng mga kaukulang kaso sa hukuman. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Aiko Melendez

Aiko umalma pinagbintangan sa baklas tarpaulin ng isang kongresista

MA at PAni Rommel Placente PINARARATANGAN sI Aiko Melendez na siya ang nag-uutos na baklasin ang mga …

Pope Francis Tacloban

Banal na Misa idinaos sa Tacloban airport bilang parangal sa Prelado  
HIGIT PA SA PAG-ASA INIHANDOG NI POPE FRANCIS SA MGA PINOY

TACLOBAN CITY – Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Sabado ng hapon ang …

TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

Para sa paglikha ng trabaho
TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

BUONG suporta ang ipinahayag ng TRABAHO Partylist sa Build Better More (BBM) infrastructure program ni …

Comelec Money Batangas

P273-M ayuda ng Batangas ipinahinto ng Comelec

IPINAHINTO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng iba’t ibang financial assistance na umaabot …

Vote Buying

Moreno, Versoza, 7 pa, pinagpapaliwanag ng Comelec sa ‘pagbili’ ng boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) sina Manila mayoral candidates Francisco “Isko Moreno” Domagoso at …