SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
AMINADO si Atasha Muhlach na nakaramdam siya ng kaba sa pagtanggap ng kauna-unahang pagbibidahang serye, ang Bad Genius noong 2017 na nang ipalabas ay isa sa pinaka-matagumpay na Thai movie.
Ani Atasha sa isinagawang story conference ng serye hatid ng Viva One, “I’m nervous kasi ito ‘yung first lead project pero in terms of the work itself, I already knew that going into ito. I will give my 100 percent.
“Wala akong expectation on what the results will be but as long as I can promise myself that Igive my all.”
Ang Bad Genius ay tungkol sa isang iskolar na gumawa ng isang organisadong sistema para makapandaya sa mga exam. Sinundan ito ng TV series na umani ng mga parangal tulad ng Best TV Drama Series at Best Screenplay.
Taong 2023 ipinalabas sa mga sinehan sa India ang Bollywood version ng Bad Genius na tinawag nilang Farrey. Last year, nagkaroon naman ito ng American remake na ipinalabas din sa mga sinehan dito sa Pilipinas.
At ngayong 2025, ipinagmamalaking ihandog ng Studio Viva ang Philippine adaptation ng Bad Genius: The Series na pagbibidahan ni Atasha at ididirehe ng award-winning director na si Derick Cabrido(director ng pelikulang Mallari at Clarita).
Makakasama ni Atasha sa seryeng ito ang versatile young actor na si Jairus Aquino gayundin ang newest loveteam na HyGab—Gab Lagman at Hyacinth Callado. Sina Jairus, Gab, at Hyacinth ay napapanood din sa University Series sa Viva One.
Gagampanan ni Atasha ang karakter ni Lin, isang matalinong estudyante mula sa public school na nakakuha ng scholarship sa isa sa pinakamagandang private school. Kahit naninibago sa bagong kapaligiran, desidido siyang panatilihing mataas ang kanyang grades para manatili sa eskuwelahang ito. Gayunman, handa rin siyang tumulong sa mga kaklaseng nahihirapan sa mga exam, lalo na nang malaman niyang pwede siyang kumita ng pera rito.
Nang matanong si Atasha ukol sa kanyang role, sinabi nitong, “I think what sets this apart from myself is that it will showcase a different side of me. People are usually used to seeing the very jolly, flamboyant and positive Tash. Now we’re going into something more serious tackling real life battles.”
Sa kabilang banda, si Jairus si Bank, isang scholar din ng eskuwelahan. Kakompitensiya ang tingin ni Bank kay Lin. Pero dahil sa matinding pangangailangan sa pera, makikipagsabwatan ito sa paggawa ng cheating scheme.
Si Gab si Pat, galing sa mayamang pamilya kaya makakapasok sa eskuwelahang iyon. Hindi man katalinuhan, magaling sa money matters at networking si Pat kaya siya ang tatayong spokesperson para makakuha sila ng kliyente sa pandaraya.
Si Hyacinth si Grace, girlfriend ni Pat at unang magiging kaibigan ni Lin sa school. Siya rin ang unang kaklaseng tutulungan ni Lin para makakuha ng mataas na marka sa exam. Kailangan ito ni Grace para makapasok sa theater group.
Sina Atasha, Jairus, Gab, at Hyacinth ang bagong squad na dapat abangan! Ang seryeng ito ay binubuo rin ng solid na supporting cast para lalong painitin ang mga kaganapan.
Kasama rin sa serye sina Romnick Sarmenta at Yayo Aguila na gaganap bilang mga magulang ni Lin—sina Vincent at Winona. Si Ruffa Gutierrez naman ang mahigpit na si Principal Perez. Si Irma Adlawanang mapagmahal na ina ni Bank na si Nenita, isang labandera. Si Joko Diaz si Philip, self-made millionaire at istriktong ama ni Pat. Ang unang mga kliyente naman nina Lin ay sina Ping, na gagampanan ni Keagan De Jesus, Thirdy, na gagampanan ni Alex Payan at Tony na gagampanan ni Gold Aceron.