Sunday , April 27 2025

Sa Bulacan
Carnapper, rapist tiklo sa manhunt opns

NASAKOTE ang dalawang indibiduwal na nakatala bilang most wanted persons (MWPs) sa magkasunod na manhunt operations ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 18 Marso.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, unang nagsilbi ng warrant ang San Rafael Municipal Police Station (MPS) tracker team, kasama ang RIU 3-PIT Bulacan West at Angat MPS, kay alyas Leo, 24 anyos, residente sa Brgy. San Roque, Angat.

Nakatala si alyas Leo bilang No. 8 Most Wanted Person (Regional Level), No. 10 Most Wanted Person (Provincial Level), at No. 1 Most Wanted Person (Municipal Level).

Inilabas ang warrant of arrest laban sa suspek para sa kasong paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016 na inisyu ng Malolos City RTC Branch 82.

Samantala, isinilbi ang warrant of arrest ng mga operatiba ng Sta. Maria MPS laban kay alyas Ariel, na nakatala bilang No. 1 Most Wanted Person sa Municipal Level, para sa kasong Qualified Rape of a Minor in Relation to RA 11648.

Ikinasa ang operasyon sa Brgy. Pulong Buhangin, Sta. Maria, kung saan inihain ang warrant of arrest mula sa Sta. Maria RTC Branch 6. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Vote Buying

Isko Moreno, pinagpapaliwanag ng Comelec sa pagbili ng mga boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) si mayoral bet Isko Moreno kaugnay ng vote-buying o …

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …