Friday , April 18 2025
Para sa ABP Partylist Benepisyo at seguro para sa bombero dapat isulong

Para sa ABP Partylist  
Benepisyo at seguro para sa bombero dapat isulong

SINO ang sasagip sa mga tagapagligtas nating bombero kapag kaligtasan at buhay nila ang naging kapalit sa pagsuong sa panganib kapag may sunog?

Ito ang tanong na nag-udyok kay Dr. Jose Antonio “Ka Pep” Goita, first nominee ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist na irepresenta ang mga bombero, fire rescuers, at volunteers sa darating na eleksiyon sa Mayo 2025.

Sinabi ni Goitia, nakita niya ang malaking sakripisyo ng mga bombero para makapagligtas ng mga buhay sa pamamagitan ng pagresponde at pagsuong sa panganib. Hindi nila alintana ang makapal na usok, matinding init, at ang posibleng pagguho ng mga bahay at gusali kapag may sunog.

Ngunit kapag sila mismo ang naaksidente, napapabayaan sila ng sistemang kanilang pinaglilingkuran.

“Dapat nang pagtuunan ng pansin ang ganitong sitwasyon at hindi dapat ipagwalang-bahala lalo sa panahong sila ang lubos na nangangailangan ng tulong kaya marami kaming nabigyan ng pansin ang kalagayan ng mga fire and rescue volunteers,” pahayag ni Goitia.

“Nararapat na matugunan ang kanilang mapanganib na kondisyon, maliit na hazard pay, at madalas na hindi sapat na insurance coverage para matustusan ang kanilang pagpapagamot. Sa maraming pagkakataon, sila mismo ang sumasagot sa kanilang gastusin, humihingi ng donasyon upang makabayad sa ospital o kaya ay mangutang,” ayon kay Goitia.

“Hindi makatarungan ang mababang hazard pay kompara sa  mga sakrispisyong ginagawa nila. Sila ang tumatakbo papasok sa nagliliyab na gusali  habang lahat ay tumatakbo palabas,” paglalarawan ni Goitia kapag nagreresponde ang mga bomber.

Dagdag niya, “maraming bombero ang walang maayos na accident at life insurance mula sa gobyerno kaya kung sila ang maaaksidente o mamatay sa tungkulin ay hindi sapat para matustusan ang kanilang matagal na gamutan o masuportahan ang kanilang mga naiwang mahal sa buhay.”

“Hindi lamang iilan ang mga nakausap ko na mga bomberong nawalan ng kasamahan sa serbisyo at palagi nilang nasasabi na paano kaya kung kami naman ang makaranas ng kaparehong sitwasyon. Kapalit ng  aming buong buhay na pagliligtas sa buhay ng nirerespondehan naming mga biktima ng kalamidad o sunog ay ang kasalatan ng mahihingan ng mabilis na tulong ng aming pamilya.

Kung kaya, isinusulong ng ABP Partylist ang pagpapatupad ng Firefighters’ Protection and Welfare  Fund na magtitiyak na makatatanggap ng libreng pagpapagamot, benepisyo sa ospital, at pinansiyal na tulong ang mga bombero, fire rescuers, at volunteers na nasugatan habang nagreresponde sa mga sunog.

Kabilang dito ang panukalang disability support at mental health care para sa mga nakaranas ng trauma sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

“Dapat na itrato silang mga bayani at hindi sapat na tawagin lamang silang bayani. Hindi sila nagdadalawang-isip na isuong ang kanilang buhay para sa mga mamamayan. Ang pinakamaliit na magagawa natin ay kung sila ay nasasaktan, may sistema na aalalay sa kanila at ipakita na ang kanilang pagsasakripisyo ay may halaga.”

Ayon kay Goitia, isusulong ng ABP ang pagbibigay ng mas maayos na pagsasanay at tuloy-tuloy na training upang mas maging handa sila sa pagresponde sa mga sakuna, de-kalidad na kagamitan upang mas mabawasan ang panganib at mas ligtas na kondisyon sa trabaho.

Ito ay mga paraaan upang maprotektahan sila  bago pa may maganap na aksidente habang sila ay gumaganap sa tawag ng tungkulin. (BONG SON)

About Bong Son

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …