Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
TRABAHO Partylist

TRABAHO Partylist pabor sa mandatory 30% local output para sa PH-made vehicles

IDINEKLARA ng TRABAHO Partylist ang kanilang suporta sa iminungkahing magkaroon ng mandatory 30% local output para sa mga sasakyang gawa sa Filipinas.

Inaasahan na makapagbibigay ito nang hanggang $500 milyong investments at pagpapalago ng mga oportunidad sa trabaho sa ekonomiya ng bansa.

Ang mungkahi ay inilatag ni Philippine Parts Makers Association president Ferdi Raquelsantos, na nagsabing maaaring magbigay ng tax perks ang gobyerno para sa mga nag-a-assemble ng sasakyan na susunod sa minimum na requirement para sa lokal na mapagkukuhaan upang mapalakas ang produksiyon ng mga taga-paggawa ng piyesa ng sasakyan.

Ang nasabing requirement ay nagtatakda na ang minimum na 30% ng mga piyesa ng sasakyan na gawa sa bansa ay dapat na manggaling sa lokal na suppliers.

Itinuturing ang inisyatibang ito bilang isang mahalagang hakbang sa pagpapalago ng ekonomiya at pagpapalakas ng lokal na paggawa, lalo sa mga sektor ng electronics, automotive, at consumer goods.

Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, ang implementasyon ng naturang patakaran ay akma sa kanilang matagal nang layunin na magtaguyod ng mga sustainable na oportunidad sa trabaho.

Naniniwala ang partido na makatutulong ang mga polisiya tulad nito sa paglutas ng problema ng kawalan ng trabaho at underemployment, habang nagbibigay ng oportunidad sa mga manggagawa sa iba’t ibang antas ng kasanayan.

Sa pamamagitan ng 30% local output ng mandato, nakikita ng TRABAHO Partylist ang pag-unlad ng mas matibay na mga lokal na supply chains.

Ito ay hindi lamang maglilikha ng mga bagong trabaho sa paggawa at assembly, kundi palalawakin din ang lokal na lakas-paggawa sa mga larangan tulad ng logistics, quality control, at research and development, dagdag ni Atty. Espiritu.

Patuloy na nananawagan ang TRABAHO Partylist sa mga stakeholders mula sa pampubliko at pribadong sektor na tiyakin na mapapakinabangan nang husto ang mga benepisyo ng mandato upang mapabuti ang kabuhayan ng milyong-milyong mga Filipino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …