Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
FPJ Panday Bayanihan partylist

Proteksiyon sa Frontliners hangad ng FPJ Panday Bayanihan partylist

ISUSULONG ng FPJ Panday Bayanihan partylist ang Good Samaritan Law upang tiyakin ang proteksiyon para sa mga DRRM responders at volunteers laban sa legal na responsibilidad habang nagsisilbi sila sa publiko.

Layon ng batas na  maprotektahan ang frontliners mula sa pananagutan sa pagbibigay ng makatwirang tulong sa panahon ng kagipitan o emergency, kapag ang mabuting Samaritano o volunteers ay kumikilos batay dito, ayon kay Brian Poe Llmanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan partylist.

Nilalayon ng batas na hikayatin ang mga tao na tumulong sa iba nang walang takot na maidemanda, saad ni Poe.

Ang napapanahon at epektibong tulong sa panahon ng emergencies ay isang bagay na mahalagang alalahanin na nakaaapekto sa kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng publiko.

Ito ay umaakma sa Republic Act No. 10871 o ang Basic Life Support Training in Schools Act at hinihikayat ang paggamit ng naturang pagsasanay sa mabuting paggsisilbi.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang isang mabuting Samaritano ay hindi mananagot para sa pinsalang dulot ng isang gawa o pagkukulang kung:

— ang mabuting Samaritano ay kumikilos sa isang kagipitan sa oras ng pagkilos o pagkukulang;

— kung naaangkop o kinakailangan, ang mabuting Samaritano ay wastong binigyan ng lisensiya, pinatunayan o pinahintulutan ng naaangkop na mga awtoridad para sa mga aktibidad na isinagawa sa isang emergency sa oras ng pagkilos o pagtanggal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …