Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jaclyn Jose In Memoriam Oscars 2025

Jaclyn Jose binigyang pugay sa “In Memoriam“ ng Oscars 2025 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BINIGYANG-PUGAY sa katatapos na 97th Academy Awards sa kanilang “In Memoriam” ang yumang award-winning actress na si Jaclyn Jose kasama ng iba pang mga kilalang celebrities.

Kabilang sa mga ibinahaging pictures sa Oscars awards night para sa kanilang “2024-2025 In Memoriam” ang mga pumanaw na Hollywood personalities na sina Gene Hackman, Maggie Smith, Gena Rowlands, Michelle Trachtenberg, Shannen Doherty, at Olivia Hussey.

“The Academy honors friends and colleagues we lost over the last year. Take a moment to remember the artists and filmmakers we lost in 2024-2025,” caption ng post ng Oscars sa kanilang official social media account.

Pinasalamatan ito ni Andi Eigenmann kaya naman sa kanyang Instagram post, ibinahagi nito ang screenshot mula sa Oscars website. Naroon ang ang pangalan at picture ni Jaclyn kasama ang iba pang artistang pumanaw nitong nakaraang taon.

Caption ni Andi, “My nanay is among other Hollywood artists and filmmakers who are remembered by The Academy this year.”  

Namatay si Jaclyn sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City dahil sa heart attack sa edad na 60. noong March 3, 2024.  Lalong nagningning ang husay ni Jaclyn nang magwaging Best Actress sa 2016 Cannes Film Festival para sa pagganap niya sa pelikulang Ma’Rosa ni Brillante Mendoza.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …