Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jojo Mendrez

Jojo Mendrez ire-revive Tamis ng Unang Halik ni Tina Paner

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

INUULAN ng suwerte ang tinaguriang Revival King na si Jojo Mendrez. Matapos kasing kagiliwan ang pag-revive ng awiting Somewhere in my Past noong 1985 na pinasikat ni Julie Vega, heto’t ang awitin naman ni Tina Paner, ang Tamis ng Unang Halik ang ire-revive niya.

Si Jojo ang muling napili ni Doc Mon Del Rosario, composer ng Somewhere in my Past at Tamis ng Unang Halik na mag-revive ng kanta ni Tina.

Isa si Jojo sa mga libo-libong nag-audition para ipakanta ang Somewhere in my Past. Na-shortlist si Jojo sa tat tatlong napili at eventually ay siya ang nagwagi. Ini-recrod noong 2019 ang awiting pinasikat ni Julie subalit dahil sa pandemic na-postponed ang paglulunsad nito.Dagdag pa ang pagkakaroon ni Jojo ng Covid at pagkamatay ng kanyang ama. 

Nawalan ng  confidence sa pagkanta si Jojo matapos kung ilang ulit na-confine sa ospital dahil sa COVID- 19. Nagpahinga si Jojo at taong 2024 natapos niya ang pagre-record ng Somewhere in my Past na inareglo ni Mr. Marvin Querido. Taong 2025 ini-release ang kanta s social media at madalas patugtugin sa mga radio station nationwide. Nakakaabot ito ng 50 million collective views sa social media habang isinusulat namin ito.

Kaya hindi nakapagtaaka kung muling mapili ni Doc Mon si Jojo para i-revive ang kanta ni Tina. 

Bukod dito, pumirma rin ng kontrata si Jojo sa  Star Music para sa kauna-unahang original song, ang Nandito Lang Ako na komposisyon ni Jonathan Manalo kasama ang iba pang mga kanta. At sa awiting ito makakasama ni Jojo ang National Artist na si Nora Aunor. Ukol sa patience, sacrifice, at unconditional love ang istorya ng Nandito Lang Ako. 

Si Jojo mismo ang nagpahayag ng magandang balita sa pamamagitan ng kanyang official Facebookkasama  ang short video ng movie icon at nag-iisang Superstar.

“National Artist and the Country’s Superstar Ms. Nora Aunor, excited sa gagawing Music Video ng kanta ni Jojo Mendrez ‘Nandito lang ako’. Coming soon, under Star Music,” saad sa caption ng FB post.

Matagal na naming alam na Noranian si Jojo dahil special guest ang Superstar kasama si Ms. Pilita Corrales sa first solo major “sold-out concert” nito sa The Newport Performing Arts Theater noong 2018.

Samantala, rugs to riches kung ibahagi ni Jojo ang kanilang buhay na nagmula sa Lucena. Tinutulungan niya ang kanyang inang mag-weave ng tuyong buri leaves at magbilang ng buri midrib para may ipantustos sa kanilang kabuhayan. 

Bata pa lang ay hilig na ni Jojo at kumanta kaya naman sa edad 10 sumali na siya sa kantahan sa kanilang bayan sa Pitogo, Quezon. Paborito niyang ipanlaban at awitin ang mga kanta nina Sharon Cuneta at Pops Fernandez. 

Sa kuwento ni Jojo, ipinanlaban niya ang Mr. DJ. ni Sharon subalit natalo siya. Pero dahil sa kanyang charm nabigyan siya ng consolation prize.

Noong mag-edad 20, nag-enrol si Jojo sa Ryan Cayabyab’s School of Music. At dito’y naging kaklase niya sina Jolina Magdangal, Roselle Nava, Lindsay Custodio, Angelika Dela Cruz, at Jan Marini.

Ang kanta naman ng Apo Hiking Society, ang Tuyo Na’ng Damdamin ang kauna-unahang ini-revive ni Jojo na inareglo ni Alvin Nunez na sinundan ng Jireh Lim’s  Magkabilang MundoFlorante’Sana at Handog.

Nabigyan ng halaga ang pagre-revive ng mga awitin ni Jojo nang magwagi siya ng Song of the Year noong 2018 sa PMPC Star Awards for Music- Revival

Si Jojo ay nasa pangangalaga ng Aqueous Entertainment nina David Cabawatan at Vince Apostol. Para sa mga event booking at collaborations, tumawag lamang sa 

0917 317 3283; 0917 309 8469 o mag-email sa [email protected]

at [email protected].

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …