Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
FDCP A Curation of World Cinema

Curation of World Cinema itatampok ng FDCP

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

INIHAYAG ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang pagtatanghal ng A Curation of World Cinema, isang taunang programa para itampok ang diverse selection ng mga kinikilalang internasyonally-produced films sa mga lokal na manonood. 

Layunin nitong pagyamanin ang isang mas malalim na koneksiyon ng mga Filipino at ang yaman ng global cinema.

Hindi lamang itinataas ang antas ng FDCP sa gawaing ito kundi ibinabahagi rin ang holistic na pamamaraan sa mga sinehan. Nakatutulong dinito para mabuksan ang mga pintuan para sa global counterparts. 

Sa pamamagitan ng programang ito sa teatro, inaanyayahan ang mga manonood na tuklasin ang mga nakahihimok na salaysay, nakamamanghang cinematography, at mga natatanging pananaw mula sa buong mundo.

Sa pamamagitan ng mga curated films, natutulungan nitong mapalago ang Philippine film scene, nakahihikayat sa pagpapalitan ng kultura at nagbibigay-inspirasyon ng higit na pagpapahalaga sa unibersal na wika ng sinehan.

Pitong pelikula ang nakalinya para mapanood mula sa mga critically acclaimed directors, ito ay ang: The Seed of the Sacred Fig (2024) ni Mohammad Rasoulof; Flow (2024) ni Gints Zilbalodis; at Dahomey (2024) ni Mati Diop na mapapanood simula March 5;  Bird (2024) ni Andrea Arnold; Black Dog (2024) ni Guan Hu; A Traveler’s Needs (2024) ni Hong Sang-soo; at  Young Hearts (2024) ni Anthony Schattemen na mapapanood simula March 12.

Mapapanood ang mga pelikulang ito sa mga sinehan sa Ayala Manila Bay;Avala Market! Market!; Avala Fairview Terraces; Ayala Central Bloc; SM Mall of Asia; SM Megamall; SM North EDSA; SM Southmall; SM Seaside Cebu; SM Clark; SM Davao

Robinsons Magnolia; Robinsons Galleria Ortigas;Robinsons Galleria Cebu; Robinsons Manila; Power Plant Cinema; Cinema ’76; Gateway Cineplex; Shangri-la Red Carpet; at
Megaworld Newport.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …