Monday , March 31 2025
Rhian Ramos Sam Verzosa SV

SV at Rhian muntik mag-away dahil sa pagong

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

SI Rhian Ramos ang papalit at magho-host ng bagong lifestyle program sa GMA Network. Ito iyong time slot na iiwan ni Rep Sam Verzosa, ang public service show na Dear SV.

Kahapon, inilunsad ng TV8 Media ang bagong show ni Rhian, ang Where in Manila na mapapanood simula March 8, Sabado, 11:30 p.m. sa GMA 7. Matapos ipakilala si Rhian sinorpresa naman at biglang dumating ni SV para suportahan ang GF gayundin ang bagong show nito.

Inamin ni SV na ikinonsidera talaga nila si Rhian na maging host ng Dear SV na magpapa-alam na sa ere sa March 1 dahil sa pagtakbo niya bilang mayor ng Maynila. 

“Pinag-isipan ko na sana baka pwede siyang pumalit. Pero alam ko naman kung ano ang forte ni Rhian.”

At dito na nga naisip ni Sam na bakit hindi na lang isang travel show ang i-host ng GF.

“Kasi she’s been hosting a lot of lifestyle and travel shows sa GMA. So, sabi ko why not featured Manila. 

Kasi lagi kong ikinukuwento sa kanya, tuwing umiikot ako, ‘alam mo Boo, maraming magagandang lugar sa Maynila, hindi lang napo-promote, hindi napupuntahan. 

“Kahit kami mismo na taga-roon, hindi namin alam na they exist (mga lugar). “Actually, kulang talaga ng promotion sa turismo ng Maynila. Napakaraming magagandang lugar. Kulang ang isang linggo para maikot mo at mapuntahan. At ‘yun ang layunin ng Where in Manila.”

Nasorpresa naman si Rhian sa pagdating ni SV at sinabi nitong happy siya na pinuntahan siya nito.  

At sa paggawa ng Where in Manila, nasabi ni Rhian na napakaraming activities, things to do at mga lugar na pwedeng puntahan sa Maynila. 

“Ang dami pa lang iba’t ibang klase ng food. Ang mga Pinoy talaga kasi ay malasa ang gusto sa mga pagkain. And I would say na very adventurous din tayong kumain. 

“So through shooting the first few episodes I have eaten things that I would have never thought to eat before. So may mga most of them naman I happily eat it. May mga one or two lang naman na out of this world for me. May mga ganoon din palang tayong sine-serve na ganoon dito sa Manila. 

“And there are a lot of things when you think about it, ‘yung ipupunta mo pa sana sa ibang bansa there are other places in Asia that have night market and then there are certain kind of foods that they serve there na mayroon pala rito. 

“‘Yun sana ang gusto kong i-promote. ‘Yung kagandahan ng tanawin sa Manila, the delicious place to eat, and also the wonderful people that made the city great.”

Sinabi pa ni Rhian na gusto niyang ikasiya ng bawat Pinoy ang pagiging Filipino.

“I want people to be excited about being Filipino. I want them to be excited and proud about being from the Philippines. And  explore their own country bago sila tumingin sa labas.” 

Ukol naman sa kung kailan nagkaroon ng pagkahilig sa pagta-travel si Rhian, naibahagi niya na, “I think my love for travel started noong bata pa ako kasi iyong dad ko lagi siyang nagwo-work sa ibang bansa. Lagi siyang nagta-travel. He’s a businessman. Parang lumaki ako knowing na laging nakasakay ng eroplano ‘yung tatay ko. Iyon ang concept ko of him. 

“Tapos ‘yung nanay ko to the best of her ability kahit noong maliit pa kami, iniikot niya kami sa iba’t ibang mga beach dito sa Pilipinas kahit mahirap magdala ng maliliit na bata. Pinipilit niya talaga akong dalhin at ang ate ko sa iba’t ibang lugar. 

“Tapos mga bata pa kami lagi nilang pinapa-try ang kakaibang food. Naka-taste na ako ng mga raw jelly fish, ‘yung mga mangrove food worms. So I’ve always had those experiences and whether I like it or not they were always positive experiences.  

“I mean, whether nagustuhan ko ang lasa or not they were always positive experiences and until now nare-remember ko iyong mga iyon. Having those experiences where you grow up is very important.”

Naibahagi rin ni Rhian ang ilang pagkaing ipinatikim sa kanya ni SV na hindi niya makakalimutan. 

“I don’t want to ruin the surprise. In a bad way it was a reptile. I don’t wan’t to do it again. Tapos in a good way, he knows na gusto ko ang mga salted egg things, inuuwian niya ako ng mga ganyan sometimes and may tufu squares kaming kinainan na very yummy also.

“Actually ‘yung sauce niya masarap naman (reptile) kasi iniluto nila as a regular ulam. Masarap naman hindi ko lang talaga matanggal sa isip ko kung ano siya dahil may alaga akong ganoon noong bata pa ako. 

“Turtle kasi siya. But you know memorable. I think I’ll remember it hanggang maging lola ako.”

Pagbabahagi pa ni Rhian ukol sa kung bakit siya napakain ng pagong. Aniya binigyan siya ng choice na parang ‘yun ang kanyang punishment. 

At ibinuking ni Rhian na dahil sa pagkain niya ng pagong muntik na silang mag-away ni SV pero na-realize niyang game lamang iyon.

So there, kaya watch n’yo ang bagong show ni Rhian na Where In Manila sa GMA, simula March 8, Sabado, 11:30 p.m..

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robb Guinto Yen Durano Buboy Tuesday

Robb Guinto at Yen Durano may ‘mainit’ na usapan kina Buboy at Tuesday 

RATED Rni Rommel Gonzales MAINIT pero malaman na chikahan ang aasahan sa newest episode ng Your …

Legaspi family Zoren Carmina Mavy Cassy

Legaspi family bibida sa isang serye 

RATED Rni Rommel Gonzales MAGSASAMA-SAMA sa unang pagkakataon sa iisang serye ang pamilya nina Carmina Villarroel, …

Tony Gloria

Founder ng Unitel Pictures na si Tony Gloria namaalam na

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang film producer na si Tony Gloria sa edad na 79. Naging …

Kathryn Bernardo sexy 2

Kathryn’s sexy photos orig at ‘di peke, pinagpipistahan

I-FLEXni Jun Nardo TUMODO sa kaseksihan at 29 si Kathryn Bernardo na pinagpipistahan ngayon sa social media …

Elections

Kampanya sa eleksiyon maigting, mapangahas, palaban

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PORMAL at opisyal nang magsisimula today, Friday ang local campaigning para …