Monday , March 31 2025
Rhian Ramos Cookie Bakery Fair 2025

Cookie ni Rhian matitikman sa Bakery Fair 2025

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

DAHIL sa pag-post ni Rhian Ramos sa kanyang Instagram account na nagbe-bake siya ng cookies habang naka-two piece, nagkainteres sa kanya ang Filipino-Chinese Bakery Association Inc.. (FCBAI)

Opo inimbitahan nila ang aktres para maging parte ng Bakery Fair 2025 na magaganap sa March 6-8 sa World Trade Center, Pasay City.

“Sa lahat ng gustong makatikim ng cookie ni Rhian, pumunta kayo sa Bakery Fair,” anang presidente ng FCBAI na si Mr. Christopher Ah sa ginanap na media conference noong Miyerkoles ng tanghali sa Oriental Palace, Quezon City. 

Paanyaya ni Mr Ah, sa mga gustong matikman ang cookie ni Rhian, magtungo lamang sa Bakery Fair 2025.  

Huwag po sana magalit sa akin si Rhian, nagbibiro lang po ako,” nakangiting pagbawi sa unang nasabi niya.

Sinabi pa ni Mr. Ah na bukod kay Rhian kompirmado ring dadalo sa event ang aktor at restaurateur na si Marvin Agunstin. Ibabahagi roon ni Marvin ang ukol sa kanyang pagiging chef at baker.

“You know si Marvin, magaling magluto, magaling mag-bake. Pinaunlakan din ‘yung imbitasyon natin to visit our event. And nagsabi siya na dadalhin niya ang buo niyang team.

“Si Marvin po kasi talaga into baking, into business po talaga. 

“Honestly, we want Marvin to do a demo also. But ang problema, ang dami nating international master baker and chef, punompuno ‘yung ano (schedule) natin. 

Ituturo rin sa Bakery Fair 2025 ang food safety—kung ano ang tamang pagluluto o pagbe-bake.

“Marami rin tayong mga bagay na matututunan, tulad nga ‘yung mga food safety.

“Mapapansin natin ngayon na kapag nagbe-bake, kahit nasa social media, ay hindi naka-gwantes, hindi naka-face mask, hindi naka-hairnet.

“Dito po matuturuan tayo ng mga food safety. And also marami tayong mga speaker. Tuturuan tayo for business,” dagdag pa ni Mr. Ah.

Bukod kina Rhian at Marvin, dadalo rin si Chef Boy Logro at may iba pang celebrities.

Sinabi pa Mr Ah na, “This event is not just a celebration of break, cakes and pastries. It is a testament to our unwavering faith in the future of the Philippines economy and our commitment to uplifting the entire bakery industry.”

Mayroon ding Bakerycup 2025 competition na kaabang-abang ang Grand Regal Tiers Wedding Cake Display Competition na ang mananalo ay mag-uuwi ng  PHP150,000.

“We are also proud to offer international training opportunities and trips to elite baking institutes for our competition winners, furthering our goal of raising global standards for Philippine baking.

“But Bakery Fair 2025 is not just about competition — it is about collaboration. 

“It is a platform where industry leaders, suppliers, and baking professionals come together to share knowledge, explore new trends, and forge meaningful connections.

“It is a space where tradition meets innovation, and where the future of baking is shaped,” ani Mr. Ah.

Kaya punta na po tayo sa  Bakery Fair 2025 dahil sabi nga ni Mr. Ah, hindi lamang ito para sa mga baker, entrepreneur, o industry professionals, para po ito sa lahat. “Whether you are a seasoned baker, a small business owner, or simpley a lover of cakes, breaks and pies, we invite you to join us. Bakery Fair 2025 is a celebration of creativity, innovation and community.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Summer-Saya Together TV5

Summer-Saya Together ng TV5 pasabog may Japan getaway pa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KASABAY ng pag-init ng panahon ang mainit ding mga pasabog ng TV5 sa Summer-Saya …

Alfred Vargas

Proyektong pangkabuhayan ni Alfred Vargas 4,500+ residente natulungan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAGUMPAYna aktor at prodyuser si Alfred Vargas. Kung ilan ulit na niya …

Automation Election Law ipinatitigil sa SC

IPINATITIGIL sa Korte Suprema nina social media broadcaster at anti-fake news advocates Atty. Mark Kristopher …

Joyce Cubales

Joyce Cubales, happy sa pagbabalik sa pag-arte

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA si Joyce Cubales sa kanyang muling pagsabak sa pag-arte. Ito’y …

Jojo Mendrez Mark Herras

Jojo Mendrez inutangan daw ng P1-M ni Mark Herras

MA at PAni Rommel Placente IBINUNYAG ng manager ni Jojo Mendrez na  si David Bhowie na umano’y may nahiram …