Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jojo Mendrez Mark Herras

Sino si Bebe sa sulat na nakita sa mediacon ni Jojo Mendrez?

MA at PA
ni Rommel Placente

MUKHA yatang may something na talaga kina Mark Herras at sa businessman-singer na si JoJo Mendrez, huh!

Kumakalat kasi ngayon sa social media ang isang sulat na umano’y napulot ng waiter ng Dapo Resto sa Quezon City matapos ang ginawang media launch kamakailan para sa bagong single ng Revival King na si Jojo titled Nandito Lang Ako

Palaisipan sa mga netizen kung sino ang Bebe na tinutukoy sa sulat na siyang mababasa sa dulo. May pangalang Jojo naman sa bandang ibaba.

“Please ‘wag ka ng magsayaw sa gay bar hindi kasi maganda para sa yo. Take care always. Nandito lang ako,” ang nakalagay sa sulat.

Kapansin-pansin na ang mga katagang Nandito Lang Ako ay ang title ng latest single nga ni Jojo.

Sabi ni Jojo during the mediacon noong may magtanong kung may relasyon sila ni Mark dahil spotted silang magkasama sa isang hotel casino, ayaw niyang magbigay ng komento. Kung sasabihin daw kasi niya na wala ay wala rin namang maniniwala. At kung sasabihin naman daw  niya na mayroon, wala rin namang maniniwala. 

So, saan daw siya lalagay?

Dumating din sa mediacon si Mark. Nagbigay siya ng flowers kay Jojo habang kinakanta nito ang Nandito Lang Ako.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …