SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
“MAGING responsable sa paglalaro. Hindi naman porke andito kami ay para i-encourage sila maglaro.” Ito ng binigyang linaw at paalala ni Betong Sumayaw sa Media Launch of Playtime’s Ultimate 100 Cars Giveaway promona isinagawa sa Green Sun The Hotel Makati noong Biyernes.
Isa si Betong sa special guest kaugnay ng pagdiriwang ng Playtime na naka-one million followers na rin sila sa Facebook page.
Ani Betong naroon sila para makisaya sa tagumpay na nakamit ng Playtime. “And we’re helping them to promote iyong kanilang epic news na 100 brand new cars basta siyempre with four easy steps lang na napakadaling gawin.
“So sana matulungan natin ang Playtime para umabot ng 50 million. Kasi kapag nag-50 million likes and followers eh 100 brand new cars ang ipamimigay nila,” masayang pagbabalita pa ni Betong.
Hindi naman itinago o itinanggi ni Betong na naglalaro siya. “Ano lang occasionally. ‘Yung pampatanggal lang ng stress. Kasi siyempre kapag ganito maging responsible ka.
“Mahirap din siyempre na ma-hook ka nang ma-hook. At siyempre kailangan balanse.”
Kaya naman may payo si Betong sa mga magda-download ng Playtime. “Para sa mga magda-download ng ganitong application, kailangan talagang maging responsible. Alam mo na may limit ka lang. Kung hanggang dito lang ‘wag nang mag-cash in nang mag-cash in. Kasi baka wala ka nang ma cash out. Ano na iyan stress na makukuha mo. maging responsible talaga tayo.”
Ukol naman sa mga artistang bina-bash sa pagpo-promote ng ganitong games, ito lang ang masasabi ni Betong, “Sa akin hindi naman issue, magandang way din ito para sabihin namin na lahat naman tayo one way or another nakapaglaro. Pero may kakabit itong mensahe na ‘be responsible!’
“In our own way na masabi namin na, we’re not encouraging na maglaro pero be responsible. Kasi kahit ano rin naman ang gawin natin kung maglalaro at maglalaro, nasa kanila iyon. So for me this is one way din para sabihin na it’s okey pero be responsible. Mahirap kapag na-hook nang na-hook. At kapag wala kang pera, ‘wag kang maglaro. ‘Yung mangungutang.”
At nang usisain namin si Betong kung magkano ba ang naitaya na niya, sinabi nitong P500 lamang at nakapanalo na siya ng P1,500.
“At kung alam mo na hanggang doon lang ang limit mo ‘wag na kasi kung hindi ka nanalo stop na. At kapag nanalo ka cash out na agad. Kasi baka sa kagustuhan mo na manalo nang manalo ang ending, wala.”
Nasabi rin ni Betong na pwedeng ikompara ang sugal sa pag-ibig. “Ay oo parang sugal talaga ang pag-ibig. Pwede kang manalo pwede kang matalo. Mamumuhunan ka rin kasi sa pag-ibig ‘yung feelings mo at iyong ipinuhunan mo mabalewala.”
Samantala, inanunsiyo nga ng Playtime ang pamamahagi nila ng kotse. At hindi lang isa, kundi 100 brand-new Toyota cars.
At tulad ng tinuran ni Betong, sa pagdami ng kanilang followers ganoon din ang pagdami ng ipamamahagi nilang sasakyan. Sa pag-abot nila ng 1 million followers, isang sasakyan ang kanilang ibibigay, at kung naging 1.5 million followers, tatlong kotse ang ipamamahagi nila, 3 million followers = 5 Cars; 5 million followers = 10 Cars; 30 million followers = 50 cars; at 50 million followers = 100 Cars.
“PlayTime owes its success to its incredible and ever-growing community. This giveaway is our way of saying ‘thank you’ to those who have supported us and made our journey special,” ani Jay Sabale, Senior PR Manager ng PlayTime. “As the Playtime community grows, more fun, interactive and engaging games await our customers .”
Narito ang paraan kung paano makakasali:
1. Sign up for a PlayTime account.
2. Link your mobile number.
3. Make a deposit and start playing.
4. Follow us on Facebook (@PlayTimePH).
Bukod kay Mr. Sabale dumalo rin sa paglulunsad ng Media Launch of Playtime’s Ultimate 100 Cars Giveaway sina Liezel Lopez, Alethea Ambrosio, Monique Vasquez, Prince Clemente, Sam Acosta – Bb. Playtime; Petite, Cheska Fausto, Negi, Betong, at Migs Villasis.
Habang tumataas ang bilang ng mga tagasunod ng PlayTime sa social media, ang bilang ng mga sasakyang kukunin ay tumataas din. Kung ang isang tao ay isang unang beses na manlalaro o isang batikang mahilig sa PlayTime, ito ay isang pagkakataon upang manalo ng malaki.
Ang habambuhay na biyahe ay naghihintay para sa masuwerteng mga customer ng PlayTime —ngayong tag-araw, maiuuwi nila ang kanilang pangarap na sasakyan sa lalong madaling panahon!
“Kaya kung handa na kayong gumulong? Tara na! PlayTime na!” anang taga-Playtime.