Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Geneva Cruz Dean Roxas Jeffrey Hidalgo

Geneva ‘di akalaing mai-inlab muli; Jeffey BFF lang

MA at PA
ni Rommel Placente

MEMORABLE ang huling Valentine’s Day ni Geneva Cruz dahil  isinelebreyt niya ito na may lovelife na siya. Kinilig siya matapos makatanggap ng bouquet of flowers sa nobyong atleta.

Sa mga hindi pa nakakikilala sa bf ng singer-actress, ito ay si  Dean Roxas, na member ng Philippine Brazilian Jiu-Jitsu National Team at coach ng Lucas Lepri Philippines.

Noong Disyembre 2024 nang ipakilala ni Geneva si Dean sa publiko.

Hindi na nga inaasahan ni Geneva ang mai-inlove muli. Kaya naman limang taon din siyang naging single at hindi naman naghanap. 

Matagal na raw niyang kilala ang nobyo at nag-reunite lamang sila hanggang sa ma-develop sa isa’t isa.

Sey pa ng singer, “But now, I’m just really happier and grateful. He’s here and I’m very, very proud of him. He inspires me.”

Ang love nga raw parang mas dumarating kapag hindi mo ini-expect.

Kahit naman matapang si Geneva,  masarap din naman na mayroon kang nasasandalan. 

Sa mga nag-isip naman na nagkarelasyon sila ni Jeffrey Hidalgo dahil madalas silang magkasama sa pagta-travel, at laging magka-collab sa TikTok, paliwanang niya, ay  bestfriends lamang sila at hindi naging sila. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …