Sunday , March 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lino Cayetano

Direk Lino Cayetano malaki ang simpatya sa partnership-kahit magkakaribal, magsasama-sama sa ikabubuti ng nakararami

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKAAANTIG-PUSO ang ipinagtapat ng nagbabalik-politikang director at producer, si Direk Lino Cayetano, na tatakbo bilang kinatawan ng Taguig sa Kongreso sa halalan ng Mayo 2025. 

Pag-amin ni Direk Lino, parang telenovela ang nangyayari sa kanya ngayon dahil iba ang sinusuportahan ng kanyang kapatid, si Sen Alan Cayetano.

Gayung dalawang beses siyang nagbigay daan sa kanyang hipag na si Lani Lopez Cayetano nang bumalik sa puwesto bilang mayor ng Taguig City noong 2022 at ngayong 2025. Kaya naman umasa siyang susuportahan siya ng kanyang kapatid sa kanyang desisyon na tumakbo bilang kongresista, ngunit iba ang nangyari.

Ani direk Lino nang makausap namin para sa presscon ng Caretakers sa Valencia Events Place, “Naniniwala ako na maganda ang intensiyon namin pareho ni Mayor Lani at Kuya Alan. May mga tao talagang may sariling interes na pilit kaming pinag-aaway. 

“Kilala ako bilang independent-minded sa aming magkakapatid at hindi basta-basta sumusunod. Pinag-aaralan ko ang bawat desisyon,” giit pa ni direk Lino.

Sinasabing ito ang dahilan kung bakit hinangaan ang Taguig noong pandemya at tinaguriang Model City ng DOH, MMDA, at private sector. Bukod kasi sa mga health center at drive-thru testing, nanguna ang Taguig sa pagbabakuna at naging isa sa mga nanguna sa pagbabalik ng mga sinehan at pagbangon ng industriya ng entertainment.

Bagamat nasubukan na noon ni direk Lino ang politika, hindi pa rin nito iniwan o nakalimutan ang showbiz. Actually, isa siya sa ilang producers na naniniwala sa

partnerships. Ang kanyang kompanyang Rein Entertainment ay nakipag-partner na sa ABS-CBN, Iflix, GMA, Viva, at ngayon, sa pelikulang Caretakers kasama ang Regal Films.

Naniniwala ako sa kahalagahan ng partnerships. Noong panahon ng pandemya, naging partner ko ang ilang mga mayor na hindi ko kasama sa politika. 

“Bilang producer, saksi ako na kahit ang mga magkakaribal na produksiyon ay magsasama-sama para sa ikabubuti ng

nakararami,” sabi ni direk Lino.

Tulad ng upcoming horror movie niyang Caretakers, na pinagbibidahan nina Iza Calzado at Dimples Romana na idinirehe ni Shugo Praico, naniniwala si direk Lino na sa huli, lahat ay dapat magtulungan.

Kasi lahat ng ginagawa natin—ginagawa natin hindi lang para sa atin, kundi para sa susunod na henerasyon,” wika pa ni direk Lino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …