SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
NAGBABALIK si Mikhail Red, may likha ng top grossing Filipino horror film na Deleter sa big screen parasa kanyang panibagong horror masterpiece, ang Lilim, na pinagbibidahan ni Heaven Peralejo, ang National Winner for Best Actress sa 2023 Asian Academy Creative Awards.
Isang official selection sa 54th International Film Festival Rotterdam, angLilimay ukol sa magkapatid na makakahanap ng kanlungan sa isang ampunan na maglalagay sa kanila sa panganib. Handa nang ipakita ni Red ang isang bagong klase ng katatakutan saLilim, namapapanood na sa mga sinehan sa buong bansa simula March 12, 2025.
Iikot ang kuwento ng Lilimkay Issa na tumakas kasama ang nakababatang kapatid na si Tomas, matapos niyang mapatay ang kanilang mapang-abusong ama para ipagtanggol ang sarili at ang kapatid.
Habang tinutugis ng mga awtoridad, manunuluyan ang magkapatid sa Helping Hands, isang liblib na ampunan na pinatatakbo ng mga misteryosong madre. Bagamat sinasabing itinayo ang ampunan sa isang milagrosong lugar, isang babala ang binitiwan ng pinuno: ang lugar ay maraming itinatagong sikreto.
Sinusubukan nina Issa at Tomas na makibagay sa kanilang bagong tahanan, pero unti-unti nilang mapagtatanto na may mali sa lugar— may madidiskubre silang mga kakaibang gawain ng kulto, at tila ang mga madre ay malayong-malayo sa pagiging banal.
Habang pinoprotektahan ni Issa ang kanyang kapatid, mas lalong lumalakas ang masasamang puwersa sa loob ng ampunan. Magiging susunod na biktima nga ba ng ampunan ang magkapatid? Tila may gustong sabihin sa kanila ang lugar: “hell is a place on earth.” (Ang impyerno ay nandito sa lupa.)
Ani kay Red inspirasyon niya sa pagbuo sa Lilim, “I wanted to make a film about a hidden society sheltering from the encroaching oppression of the times, only to collapse and fall victim to their own beliefs, a society shackled by fear and by fanaticism, mirroring the very world it tries to escape.
“It is also my first horror film seen through the eyes of children.”
Kasama rin ni Red ang kanyang pamilya sa pagbuo ng proyektong ito. Ang kanyang ama na si Raymond Red, Palme d’Or winner ng Best Short Film sa 2000 Cannes Film Festival para sa Anino, ang nagsisilbing cinematographer, samantalang ang kanyang kapatid na si Nikolas ang sumulat ng screenplay.
Ginagampanan ni Heaven ang papel ni Issa, na nagsisilbing unang major role ng aktres sa horror genre. Kasama rin niya ang ilan sa mga batikan at bagong henerasyon ng mga aktor sa industriya. Ang batikang aktres na si Eula Valdez, na nakatrabaho na ni Red sa Neomanila at Nokturno, ay may mahalagang pagganap bilang pinuno ng ampunan, si Marga. Si Mon Confiado (Nanahimik ang Gabi, Arisaka) ay gaganap bilang isang imbestigador na sinusundan ang magkapatid, habang ang batang aktor na si Skywalker David ay may breakthrough performance sa kanyang kauna-unahang pelikula bilang si Tomas.
Samantala, isang “twisted scene” mula kay Ryza Cenon, na gaganap na isang madre, ang sabik na si Red na makita ng mga manonood. Nagpa-shave rin si Ryza ng kanyang buhok dahil sa dedikasyon sa karakter.
Pagkatapos ng world premiere nito sa Rotterdam, bumuhos ang magagandang reviews ng international publications para sa Lilim. Itinuring na isang “crowd-pleaser,” ang pelikula ay pinuri ng ScreenAnarchydahil sa pagiging “creepy, entertaining, and polished,” na ang “jumpscares” ay inilarawan bilang “solid.”Hinangaan din ng critics si Heaven bilang isang aktres: “one who isn’t afraid to become a plucky heroine when the script calls for it.”
Kinilala rin ang pelikula sa Asian Movie Pulse bilang isang “well-directed, well-shot, well-acted psychological horror/slasher that will definitely satisfy all fans of the particular genre,” dahil sa nakakikilabot nitong kuwento at husay ng cast.
Nagsisimula pa lang ang global impact ng Lilimmatapos mag-iwan ng marka sa IFFR. Magpapatuloy ang pananakot ng pelikula sa mas maraming manonood sa buong mundo. Napili angLilimna lumahok sa mas marami pang prestigious festivals, isang mahalagang tagumpay ng Filipino horror genre sa international scene.
Palabas na sa mga sinehan sa buong bansa simula March 12.