Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Herlene Budol Binibining Marikit

Herlene iginiit ayaw nang mainlab sa kapartner

MA at PA
ni Rommel Placente

SA mediacon ng bagong serye ng GMA 7 na Binibining Marikit, inamin ng bida rito na si Herlene Budol na nagpa-psychiatrist siya pagkatapos niyang gawin ang unang serye sa Kapuso Network na Magandang Dilag, na nasangkot siya sa kontrobersiya nila noon ng leading man niyang si Rob Gomez.

Nagpa-doktor po ako para po ma-process po siya ng maayos sa akin. Kung bakit may mga ganoong klase ng tao na talagang hihilahin ka pababa kapag alam nilang itinataas ka ng Panginoon,” sabi ni Herlene.

Patuloy niya, “Nagpa-help po ako sa doktor para matanggap ko ‘yung mga sinasabi sa akin ng mga tao. Kasi para ma-overcome ko po lahat. Mabigat po eh na paratang sa akin. Kaya parang  mahirap po ‘yung naging sitwasyon ko  at mahirap po mag-move on sa ganoong sitwasyon na alam ng Panginoon kung ano ‘yung tama at mali.”

Nakapag-move on na raw siya ngayon pero ang natatawa niya pang sabi, “Ang tanong naka-move on na ba ang mga tao?” 

Sa Binibining Marikit  ay matitiyak ba niyang hindi uli ito mangyayari sa kanya?  

Wala na pong kainan na magaganap,” ang natatawang sagot ni Herlene.

Kasi po, parang iyun naman ang ipinupunta natin dito, bakit pa natin sasabihin!” hirit pa niya.

 “Kasi hindi mo talaga maiwasang ma-in love talaga sa ka-partner. Kaya hindi po talaga ako makapagsalita ng tapos. So, ayoko pong maulit ‘yung trauma na ibinigay sa akin noong last na co-actor ko na parang ang bigat na hindi ako naipagtanggol na walang boses na magsalita. Pero rito po sa kanilang dalawa na with or without issue ay maipagtanggol nila ako,” sabi pa ni Herlene.

Sa February 10 na magsisimula ang Binibining Marikit sa afternoon drama ng GMA 7. Idinirehe ito ni Jorron Lee Monroy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …