ITINANGHAL na solo champion ang pinagsamang entry nina J. Bacar/RCF/B. Joson/E. Brus/F. Maranan sa katatapos na World Slasher Cup 9-Cock Derby na ginanap sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Nakapagkamit ng 9-0 win-loss ang D’ Shipper, RS-BBB, RCF, E’Bros-Balaraw entry upang masungkit ang solong kampeonato ng naturang kompetisyon, na tinaguriang Olympics of Cockfighting.
Nakuha naman ni Engr. Emer Sumigad (ES Matrix Blackrooster Peejay Curly Top JAA) ang solo runner-up matapos magtala ng 8.5 points sa pagtatapos ng huling round.
Samantala nagtala naman tig-walong panalo at isang talo sina Ricky Magtuto, Aurelio Yee at Raffy Turingan, Bonbon Aga, at ang pinagsamang entry nina James Uy/Papa Bravo/Jun Jun Sy/Frederick Sy.
Nakapagtala naman ng 7.5 points ang combined entry nina Capt. Vonn Mark Antenor at Boss Baroy Estoperes.
Nakapitong panalo at dalawang talo ang pinagsamang entry nila A. Ramos/E Calibozo/E. Chua/J. Marasigan, James Rabano, Gaddiel Malinay at Carlos Timbol, dalawang entries ni Engr. James Rabano/Engr. Emer Sumigad/SB, Carlo Arguelles/Aries Alvarez, Allan Villegas/Obet Bello, eight-time World Slasher Champ Frank Berin at Gon Zomora.
Abangan ang pangalawang edisyon ng nasabing torneo sa Mayo sa Smart Araneta Coliseum. (HATAW Sports)