SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
SAYANG at wala at hindi personal na natanggap ni dating Miss Universe Philippines Michelle Dee ang award na ibinigay sa kanya ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) noong Miyerkoles ng gabi para sa kontribusyon niya sa mga kapwa Filipino-Chinese community.
Kaya naman idinaan ni Michelle ang pasasalamat sa FFCCCII sa kanyang Instagram post.
“I’ve always believed that embracing our roots gives us the strength to create impact beyond borders. As we celebrate the Year of the Snake, I’m honored to be recognized once again by the FFCCCII for my contributions to the Filipino-Chinese community, both locally and internationally,” ani Michelle.
“Although I’m not there physically to accept the recognition, I’m deeply honored and forever grateful,” dagdag pa ng beauty queen.
Personal namang tinanggap nina Ricky Lee at Jessica Soho ang kanilang award.
Ang National Artist at 2024 MMFF Best Screenplay winner na si Mr. Ricky ay binigyang pagkilala dahil sa napakarami niyang tagumpay bilang scriptwriter, playwright, novelist, journalist, educator, at dahil din sa kanyang award-winning movie na Green Bones. Ang pelikulang ito ay nakatawag pansin sa paniwala na rin ng mga Tsino na ang “green bones” ay nagsasaad ng kabutihan ng isang pumanaw na. Ang ama ni Mr. Ricky, si Mr. Lee Hian Chin ay dating Secretary General ng Camarines Norte Filipino Chinese Chamber of Commerce.
Dahil sa kanyang integridad at galing bilang topnoth journalist, kinilala rin ang galing ni Jessica ng GMA. Kamakailan itinampok niya sa kanyang show ang ukol sa kanyang pinagmulan at ang pag-trace ng roots ng kanyang grandfather’s ancestral village sa Guangdong province, China.
Ani Jessica, 25 percent siyang Chinese. “Ang lolo ko who came from Guangdong province around 90 years ago, they did not have much, sabi nga only with the shirts in their back. Somehow they made it here, nagkaroon kami ng malaking pamilya at I’m very happy that tonight they are honoring my Chinese side. Eh ako naman I feel this is also my chance to honor my Chinese grandfathers.
“Unfortunately they passed away na, hindi sila nakabalik ng China, except for one. Nakapasyal siya and then I also count myself na lucky na I had the chance in 2007 to trace my roots to that very small village outside of Guangdong City.
“Tonight is special kasi 40th year ko na rin. Sabi ng mga tao hindi raw nila alam na mayroon akong Chinese blood. In fact, yesterday sa isang restaurant, may sinabi silang word ng Chinese na ang ibig sabihin kung Chinese ka? Sabi ko, ‘hindi po, Filipino po ako, but I have Chinese blood.
“So hindi pala alam ng marami na I have Chinese blood. So again this is wonderful for me,” pahayag ni Jessica nang makahuntahan namin ito pagkatapos tumanggap ng parangal.
Pinangunahan ni FFCCCII President Dr. Cecilio K. Pedro ang taunang Chinese New Year Dinner Reception at Special Awards Ceremony na ginanap sa Golden Bay Seafood Restaurant sa Macapagal Avenue, Pasay City. Ipinagdiriwang ang Lunar New Year’s cultural significance at kinilala o binigyang halaga ang mga Pinoy na may exceptional contributions sa Pilipinas. Kasabay din nito ang kick-off ng 50th anniversary ng Philippines-China diplomatic relations.
Pitong luminaries ang kinilala sa kanilang contributions sa Philippine culture, diplomacy, at civic engagement. Bukod kina Michelle, Ricky, at Jessica, kasama rin ang dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos dahil sa kanyang pivotal role at pagsuporta kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa pagbuo ng Philippines-China diplomatic relations noong 1975. Hindi nakadala ang dating Unang Ginang kaya naman si Sen Imee Marcos ang dumating at nagbigay ng pasasalamat sa pagkilalang iginawad sa kanilang ina.
Nasulat ni Eliza Romualdez Valto na ang pamilya Romualdez ng Leyte at Manila ay kamag-anak ng Chinese immigrant na si Pei Ling Po na ang Pinoy na pangalan ay Luis Romualdez noong mabinyagan sa Katoliko sa Spanish colonial era na ang mga kamag-anak ay nakalista sa Spanish records bilang “Mestizos de Sangley” o Chinese mestizos.
Kasama rin sa binigyan ng award si Kenneth Cobonpue, designer, dahil sa pagtaas niya ng antas sa Philippine industrial design ng furnitures at craftsmanship globally; Jose Mari Chan, singer, songwriter, at businessman dahil sa kanyang pagmamahal, inspiring Christmas at love songs at ang pagsuporta niya sa FFCCCII’s socio-civic program na nagma-manifest sa Filipino Chinese community’s solidarity sa Pilipinas.
Ang FFCCCII, umbrella federation ng 170 Filipino Chinese chambers of commerce mula Aparri hanggang Tawi Tawi, ay nagpapatuloy sa kanilang pamana ng gawain tulad ng socio-civic charities tulad ng pagdo-donate ng rural public schools o pagsuporta sa Filipino Chinese volunteer fire brigades, pagpo-promote ng Philippine economic growth, at tumutulong sa pagpapatatag at pagpapalakas ng Philippines-China bilateral ties.