Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
NBI

6 arestado sa ‘gov’t positions for sale’ ginamit pangalan ng First Lady

INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) agents ang anim na taong sangkot sa ‘pagbebenta ng posisyon’ sa Bangsamoro parliament gamit ang pangalan ni First Lady Liza Araneta-Marcos.

Sa ginawang entrapment operation sa Manila Hotel, kinilala ang mga suspek na sina Diahn Sanchez Dagohoy, Bolkisah Balt Datadatucala, Alenjandro Barcena Lorino Jr., Joseph Catunao, Leomer Abon, at Tita Natividad.

Ayon sa isang ulat, nagpanggap ang grupo bilang mga empleyado ng Malacañang at sinabing may kaugnayan sila sa Unang Ginang na nangangako sa mga biktima ng mga posisyon sa gobyerno sa Bangsa Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kapalit ng malaking halaga ng pera.

Naaresto ang grupo dahil sa ginawang complaint ni former Maguindanao representative Esmael Mangudadatu, na inalok ng P8 milyon kapalit ng parliamentary seat.

Tungkol pa rin sa scheme, agad na tinaasan ng grupo ang presyo kay Mangudadatu. Inalok siya ng P15 milyon para naman sa dalawang posisyon para sa kanyang anak at pamangkin.

Ang lider ng grupo na si Dagohoy ay nangako sa mga biktima na ang kanilang posisyong matatanggap ay isasaayos mismo ng First Lady.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong ‘syndicated estafa’ at ‘usurpation of authority’ or ‘official functions.’

Samantala, binalaan ni First Lady Liza Marcos ang mga indibiduwal na gumagamit ng kanyang pangalan para italaga sa isang posisyon sa gobyerno.

Inilinaw pa ng Unang Ginang na hindi siya sangkot sa kahit anong appointment para sa administrasyong Marcos.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …