Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
FPJ Panday Bayanihan Brian Poe Llamanzares

Sa FPJ Panday Bayanihan: Interes ng tanod unahin

PARA sa mga tagapagtaguyod ng FPJ Panday Bayanihan partylist group, higit na angkop isulong ng Kongreso ang interes ng mga tanod na matiyagang nagbabantay sa mga komunidad para tiyakin ang kapayapaan sa barangay.

Sa isang kalatas, partikular na tinukoy ng grupong FPJ Panday Bayanihan ang kawalan ng sahod at benepisyo ng hindi bababa sa isang milyong tanod mula sa 42,046 barangay sa iba’t ibang panig ng bansa.

Bagamat may “allowance” na natatanggap kada buwan, karaniwan anilang hindi sapat para makabuhay ng pamilya, lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.

Wala rin umanong benepisyong nakalaan sa mga tagapamayapa ng komunidad dahil hindi naman pasok sa kategorya ng “empleyado” ang mga tanod.

Mungkahi ng FPJ Panday Bayanihan partylist sa Kongreso, gawing regular at bigyan ng karampatang sahod at angkop na benepisyo ang mga barangay tanod na karaniwang binibigyan lang ng P1,000 allowance kada buwan.

Ayon kay Kapitan Reil Briones ng Barangay Talao-Talao sa Lucena City, halos isang libo lang ang allowance ng tanod kada buwan at insurance coverage.

Pag-amin naman ni Randy De Silva na nagsisilbing tanod sa Barangay San Pablo, Binalonan Pangasinan, “halagang P1,200 ang allowance namin kada buwan. May natatanggap na bigas tuwing may ayuda lang.”

Sa isang bukod na pahayag, nanindigan si Brian Poe Llamanzares na tumatayong first nominee ng FPJ Panday Bayanihan partylist — “Hindi biro ang responsibilidad ng mga tanod na aniya’y nagpapatupad ng batas at kaligtasan ng mga residente sa nasasakupang barangay. Nararapat lamang na sila’y makatanggap ng pagkalinga mula sa pamahalaan.”

Sa ilalim ng Memorandum Circular 2003-42 ng Department of the Interior and Local Government (DILG), pasok ang mga barangay tanod sa kategorya ng tinatawag na “law enforcers.”

Mandato ng mga tanod na tiyakin ang kaayusan at kapayapaan sa komunidad sa paraan ng pagroronda (araw at gabi) para sa crime prevention, magsilbing katuwang ng lokal na pulisya sa pagtunton ng “missing persons,” pagtugis sa mga kriminal at paghahain ng mandamiento de arresto.

Trabaho rin ng mga tanod na itawag sa pulisya ang kahit anong gulo, kahina-hinalang kilos bago pa man mangyari ang krimen, pagresponde sa kalamidad at tawag ng saklolo, at iba pa.

Bagamat may mga mungkahing naglalayong itaas ang antas ng pamumuhay ng mga tanod, nananatiling tulog ang panukala sa Kongreso – kabilang ang Senate Bill No. 2, na inihain noong 2007. Target ng naturang panukalang amyendahan ang Republic Act 7160 (Local Government Code of 1991).

Sa ilalim ng naturang panukala, target itaas ang allowance ng mga tanod mula P2,000 hanggang P5,000, bukod sa hazard pay na maglalaro mula P1,000 hanggang P2,000 kada buwan, 20 hanggang 50 kilong rice subsidy at buwanang transportation allowance mula P500 hanggang P1,000.

Hirit ng FPJ Panday Bayanihan partylist group, kilalanin ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga barangay tanod sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng komunidad.

Dapat rin anilang bigyan ng kasiguruhan sa trabaho ang mga tanod sa bisa ng paglikha ng plantilla position imbes co-terminous status o wala nang trabaho sa pagtatapos ng termino ng barangay chairman.

Pasok din sa isusulong ng FPJ Panday Bayanihan partylist group ang free legal assistance bilang proteksiyon mula sa pandarahas at panggigipit ng mga prominenteng taong natitisod sa pagpapatrolya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …