Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gela Atayde Robi Domingo Time To Dance

Gela pinuri ni Robi: Ang puso niya grabe, umiiyak every elimination

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MASAYA si Gela Atayde na maisasakatuparan na ang kanyang advocacy project, ang Time to Dance, isang survival reality show sa ABS-CBN.

Makakasama ng tinaguriang New Gen Dance Gem na si Gela ang seasoned Kapamilya host na si Robi Domingo.

This is an advocacy project for me. It’s because being part of the dance community, I see the ins and outs of what really happens. ‘Yung mga kulang, ‘yung mga sobra.

“Here in ‘Time To Dance,’ I want to be able to help those who want to explore dance more and also inspire. Nabuo ang ‘Time To Dance’ because of the heart and passion na nakita nila sa akin,” sambit ni Gela sa media conference na isinagawa sa 9501 ng ABS-CBN.

Kitang-kita namin ang excitement sa mata ni Gela sa Time to Dance dahil aniya sa inclusivity ng show dahil tampok ang mga mananayaw na may iba’t ibang edad, karanasan, at pisikal na abilidad.

Makakasama sa show ang celebrity performers na sina AC Bonifacio at Darren Espanto gayundin ang sikat na dance coaches na sina Chips Beltran, Lema Diaz, at Jobel Dayrit bilang guest judges at coaches.

Pinuri naman ni Robi ang husay ni Gela sa pagho-host. Hindi raw kasi halata sa dalaga nj Sylvia Sanchez na first-time lang nag-host ng isang show.

“Kitang-kita kay Gela ‘yung gigil talaga na pag-ibayuhin pa ‘yung kanyang craft. Ang laki ng improvement niya since day one. In hosting, what you want is that connection, it’s not all about talking. Ramdam na ramdam namin ‘yun sa kanya.

“I am so proud of her. ‘Yung puso ni Gela grabe. Umiiyak every may elimination, iiyak na naman si Gela. But it’s how she shows her heart,” ani Robin.

Ang Time To Dance  ay nagsimula na noong, January 18 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.

Ani Vimi Rivera ng World of Dance Philippine, layunin ng Time To Dance na maipakita ang talento ng local dance community ng bansa. 

Sa pilot episode ng show, ipakikilala ang 17 dance hopefuls na sasabak sa matinding training kasama ang pinakamagagaling na coach mula sa Philippine dance community.

Masusubukan ang gigil, galing, at puso ng mga mananayaw sa group dance evaluations at kapana-panabik na one-on-one dance combats.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …