Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bam Aquino

Artists, influencers ni Robredo suportado si Aquino bilang senador

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGSAMA-SAMA ang maraming artista at influencers na tumulong sa kampanya ni dating Vice President Leni Robredo bilang pangulo noong 2022 para magpahayag ng buong suporta sa kampanya sa kandidatura ni dating Senador Bam Aquino bilang senador sa darating na halalan sa Mayo.

Kabilang sa mga dumalo sina Jolina Magdangal, Mark Escueta and Bayang Barrios, Niccolo Cosme, Mitch Valdes, Arman Ferrer, Ayrin Villamor, Moy Ortiz, AC Soriano, at comedian Alex Calleja.

Dumalo rin sina Pia Magalona, Arkin Magalona, Elmo Magalona, Nica del Rosario, Pinky Amador, Kerwin King, Tita Jegs, Jim Paredes, Elha Nympha, Jeli Mateo, Chef Jeng Flores, at marami pang iba.

Nagbahagi si Aquino ng larawan ng event kasama ang caption na, “Gising at mas handa na tayo ngayong 2025! LET’S DO THIS! Para sa Pilipino. Para sa Bayan!”

Suportado rin ng iba pang artista ang kandidatura ni Aquino, kabilang sina Bodjie Pascua, Lance Oca, Mama Loi Villarama, at mga miyembro ng The Company na sina Moy Ortiz, Sweet Plantado Tiongson, OJ Mariano, at Teacher Annie Quintos.

Samantala, pasok si Aquino sa Magic 12 ng Pinasurvey Candidate Preference Survey para sa Disyembre.  Batay sa survey, nakakuha si Aquino ng 37-porsiyentong probability na pupuwesto sa ikaanim hanggang ika-13 puwesto.

 Lumahok sa survey, na may rolling 3-month fieldwork period, ang 1,821 indibidwal mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa na may kinatawan bawat rehiyon, urban-rural, edad, kasarian, at kita. Mayroon itong margin of error na plus-minus 2.3 percent.

Pasok din si Aquino sa Magic 12 ng mga nakalipas na survey ng Publicus Asia at Tangere.

Kapag nakabalik sa Senado, isusulong ni Aquino ang dagdag na pondo para sa edukasyon at paglikha ng trabaho.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …