Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Money Thief

Retiree nilooban P3.3-M halaga ng gamit natangay

AABOT sa tinatayang P3,300,000 halaga ng mahahalagang gamit ang natangay mula sa isang retiradong empleyado nang looban ng isang magnanakaw ang kaniyang bahay sa Brgy. Bulakin, bayan ng Tiaong, lalawigan ng Quezon, nitong Linggo, 12 Enero.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si alyas Ramon, 69 anyos, isang retiradong empleyado.

Lumalabas sa imbestigasyon na nadiskubre ng biktima na siya ay nanakawan nang matagpuan ang dalawang bag na kinalalagyan ng kaniyang mahahalagang gamit sa labas ng kaniyang bahay.

Nang kaniyang inspeksiyonin ang mga bag, nabatid niyang nawawala ang mga laman nitong mga gintong alahas, at mga relong may tatak na Rolex, Movado, Shinola, at Coach.

Ipinaalam ng biktima sa security ang insidente na siyang nag-ulat nito sa pulisya.

Ayon sa pulisya, nakapasok ang suspek sa loob ng bahay ng biktima sa pamamagitan ng pagdaan sa isang maliit na bintana sa likuran.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan at lokasyon ng suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …