Saturday , January 4 2025

Uninvited mapapanood na international

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI pa man tapos ang showing ng pelikulang Uninvited nina Vilma Santos, Nadine Lustre, at Aga Muhlach sa Pilipinas, mapapanood na ito internationally simula kahapon, January 2, 2025.

Suwerte ng mga taga-UAE, Bahrain, at Qatar na dahil nagsimula nang ipalabas ang drama thriller na sinasabi ng karamihan na hindi dapat palagpasin.

Ito na iyong sinabi noon ng Mentorque producer na si Bryan Dy na, “We’re not only targeting the Philippine audiences but also the international audiences.” 

Sa USA at Canada naman mapapanood ang Uninvited simula January 10, 2025; Malta sa Jan 19; Paris, France sa January 26.

Mapapanood din ito sa Thailand, Singapore, Hong Kong at Italy.

Masayang-masaya nga si Bryan na na-dominate rin nila ang pagpapalabas ng Uninvited abroad. 

Ang pelikula ay konsepto ng Star for All Seasons na nagsabi kay Bryan na gusto nitong gumawa ng pelikulang nangyari sa loob lamang ng 24 oras. 

“This movie, we never thought magkatotoo. Kami ni Ate Vi noong nag-uusap she just wants to create a film, and ako naman gusto ko gumawa ng pelikula na ibibigay namin lahat. And then we were able to submit (to MMFF), sabi ko, try natin kasi andyan na ‘yan eh. 

“Let’s try to submit it. Sabi ni ate Vi, ayoko nga ng pressure, ‘di ba. Eh noong isinumite namin, natanggap. So that’s what happened,” pahayag ni Bryan sa isang interview ukol sa kung paano nabuo ang Uninvited.

At bago matapos ang taon, isang pasasalamat at kung paano nabuo ang pelikulang pinaghirapan at ipinagmamalaki nila ang inilahad ni Bryan sa kanyang Facebook account kasama ang picture nila ni Ate Vi.

“‘Uninvited was a journey—a story we believed needed to be told, not just to entertain, but to resonate, to provoke thought, and to showcase the immense talent of Filipino storytellers. 

“This film is a testament to the hard work, passion, and creativity of our entire team—from the brilliant cast and crew headed by our talented director Dan Villegas to everyone behind the scenes who made this dream a reality.”

Nagpasalamat din ang Mentorque producer sa lahat ng tumangkilik sa kanilang pelikula.

“To the audience who embraced our story, thank you for believing in the power of Philippine Cinema.” 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

TVJ Tito Vic Joey Eat Bualaga

 TVJ wagi na naman, muling kinatigan sa paggamit ng Eat Bulaga!

I-FLEXni Jun Nardo MALAKING selebrasyon ang naganap sa Eat Bulaga noong January 1, 2025. Ipinagpatuloy …

Judy Ann Santos Juday

Judy Ann excited sa 2025, 2024 makulay maraming learnings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “ITO ang exclamation point ng 2024 ko!” Ito ang caption …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

Rozz Daniels

Rozz Daniels,  ire-revive kantang “Ibang-Iba Ka Na” ni Renz Verano

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PATULOY ang paghataw ng singing career ng US-based Pinay singer …

MMFF50 Topakk Uninvited

‘Uninvited’ at ‘Topakk’, parehong must-watch-movies sa MMFF50

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAPANOOD namin pareho ang mga pelikulang ‘Uninvited’ at ‘Topakk’ last …