MANILA — Ang FPJ Panday Bayanihan Partylist sa pangunguna ni Brian Poe, ay nakakuha ng momentum para sa darating na 2025 midterm elections, makaraang makakuha ng magandang posisyon sa SWS survey.
Nakakuha ang partylist ng 1.73 porsiyentong pagtaas sa ika-11 puwesto sa pinakahuling survey ngayong Disyembre.
Nakatuon ang FPJ Panday Bayanihan Partylist sa mga haligi ng pagkain, progreso, at hustisya, na naglalayong iangat ang mga marginalized Filipino at itaguyod ang isang inklusibo at sustainable na kinabukasan para sa bansa.
“Pinasasalamatan namin ang publiko sa pagkilala sa serbisyong tatak FPJ. Ang FPJ Panday Bayanihan ay patuloy na isusulong ang mga polisiyang mas inklusibo para sa lahat ng Filipino,” ani Brian Poe, unang nominado ng Partylist. “Karapat-dapat sa mas magandang buhay ang bawat Filipino na makakamit lamang kapag may seguridad sa pagkain, sustainable na progreso, at mabilis na hustisya,” dagdag ni Poe.
Ang vision ng partylist ay malalim na nakaugat sa tradisyong Filipino ng bayanihan — pagkakaisa at pagtutulungan ng komunidad. Ang terminong Panday ay inspirasyon mula sa iconic na panday na karakter ni Fernando Poe Jr., at sumasalamin sa misyon ng partido na hubugin ang mas magandang kinabukasan para sa mga Filipino, at buuin ang mas matatag at makatarungang lipunan.
Isinagawa ang Fourth Quarter Social Weather Survey mula 12-18 Disyembre 2024, gamit ang face-to-face interviews sa 2,097 rehistradong botante (18 anyos pataas) sa buong bansa: 342 sa Metro Manila, 1,050 sa Balance Luzon (o Luzon sa labas ng Metro). Manila), 353 sa Visayas, at 352 sa Mindanao. (TEDDY BRUL)