HARD TALK
ni Pilar Mateo
IBA rin mag-alaga talaga ng mga artista niya itong maituturing na bagong dugo pagdating sa pagpo-produce na si Bryan Dy ng Mentorque Productions.
Masidhi at marubdob ang passion niya sa pinasok na mundo. And he leaves no stone unturned every step of the way.
Nang una siyang sumabak sa pelikula, while learning the ropes of producing, ‘sangkaterbang hamon na agad ang kinaharap nito. Pero sa tuwing kakailanganin ang ibayong pagkilos niya, he steps a notch higher.
Hanggang nakaalagwa na on his own.
At ngayon ang pangarap niya na magawan ng isang matinding proyekto ang idolo at “boss” niyang Star for All Seasons na si Vilma Santos ay naganap na sa Uninvited.
Sabihin na ngang Bryan moved heaven and earth para lang mapa-oo si Ate Vi sa proyekto. At sinuportahan din siya ng boss niyang si Senator Ralph Recto para kay Ate Vi.
Nagawa ang pelikula. Napasok pa sa 10. Kalahok sa 50th anniversary ng MMFF2024 (Metro Manila Film Festival).
Rated R-16 ng MTRCB ang pelikula. Pero binigyan naman si Bryan ng desisyon kung gusto niyang bawasan ang mga eksenang nagsusog para humantong sa nasabing rating.
Firm si Brian. Na walang gagalawin sa mga eksenang sa paniwala niya ay hindi pwedeng makawala sa kabuuan.
“Nothing can be compromised. The decicion was made out of respect for the incredible performances of the whole cast. As it’s executive producer, I take pride in creating films that challenge conventions, elevate the craft of Filipino filmmaking and stay true to the stories we aim to tell. So, while the MTRCB has given it a rating of 16 classification, we stand firm in our decision not to compromise the integrity of our film by cutting any scene to achieve a lower rating.”
Naniniwala si Bryan na handa na ang mga manonood “for bold, uncompromised storytelling that pushes boundaties and sparks meaningful conversations.”
Alam at ramdam ni Brian na isang maipagmamalaki na namang pelikula sa buong mundo ang ihahain niya sa pagkakataong ito.
The movie is about a loveable mother. Isang inang gagawin ang lahat para sa anak, para sa hustisya sa anak. Na kayang gawin ang lahat para sa anak. Sukdulang pumatay!
Ito ang sindak ng Kapaskuhan sa puso ng isang namimighating ina.
It is the star herself who created the story of the grieving mother.
“Istorya niya ito. Sa kanya galing. She just wanted to create a film. At ito na ‘yun. Kung ano ang gusto niya. Nabuo. Binuo. Ginawa. At ibinigay namin ang lahat!”