Friday , March 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Enrique Gil Strange Frequencies Taiwan Killer Hospital

Enrique maraming panganib na hinarap sa Strange Frequencies

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PANG-GEN Z. Ito ang iisang komento ng mga nakapanood ng meta horror movie na Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital na pinagbibidahan nina Enrique Gil, Alexa Miro, Jane de Leon, MJ Lastimosa, Rob Gomez, Raf Pineda, at Zarckaroo.

Iba rin ang pelikulang ito  na napag-alaman naming 27 ang camera a ginamit dahil bawat isa sa pitong bida ay tig-tatlo ang dala-dalang camera. Sila kasi mismo ang cameramen o kumukuha ng mga nangyayari.

Napapatawa na nga lang kami sa sinehan dahil walang humpay na tilian ang mga nanood nito sa Premiere Night noong Disyembre 19 sa Cinema 3 ng SM Megamall.

At dahil magbabarkada at mga teen ang bida, tiyak na magugustuhan ito ng magbabarkada kaya magkaayaan na sa panonood at humanda sa pagsigaw. Basta tumabi sa hindi nananakit dahil ang ilan eh kapag natatakot, nagkakapisikalan. ‘Yun bang namamalo ng katabi.

Ang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital ay maihahalintulad sa pelikulang The Blair Witch Project  noong 1999.

Ani Enrique na nakausap namin bago ang premiere, “We’re playing as ourselves, so just be true to yourself sa kahit ano mang sitwasyon na madaraanan. Paano ka ba? Paano mo gagawin?”

At nasabi ni Enrique na pinaka-challenge sa kanya iyong pagsu-shoot nila sa Tiawan dahil abandoned place talaga iyon.  “At dahil sa Taiwan kami, hindi mo control ‘yung weather. Pag umulan, baha sa loob. Kasi abandoned nga siya, tapos may mga butas na sa bubong.”

Bukod dito, marami ring panganib. Ayon kay Quen, maraming butas ang sahig na any moment ay puwede silang mahulig plus malamok. 

At dahil isa siya sa prodyuser, tiniyak naman niyang lahat sila ay insured dahil na rin sa mga panganib na kinaharap nila.   

Ukol naman sa usaping bakit sa Taiwan ginawa ang pelikula, anang prodyuser na si Dondon Monteverde, “We wanted to bring in a different texture. Different sensibility when it comes to horror.

“Kahit adaptation siya, siyempre hindi naman ginaya talaga totally. Ginawa nating Pinoy pa rin ;yung touch, with the touch of Taiwan.”

Kaya kung gusto ninyo ng kakaibang horror, itong Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital ang bagay sa inyo na mapapanood na rin simula December 2.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …