NANAWAGAN sina Mayor Honey Lacuna and Vice Mayor Yul Servo sa publiko na tangkilikin ang mga lokal na pelikula sa loob ng dalawang linggong durasyon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) mula December 25, 2024 to January 7, 2025.
Dahil sa Maynila ang host city, pinangunahan nina Lacuna at Servo ang pagdiriwang ng MMFF’s 50th Edition sa Grand Parade of Stars sa lungsod nitong weekend.
Sa durasyon ng dalawang linggong festival, tanging ang ang 10 entries lamang ang mapaoanood sa lahat ng sinehan sa bansa at walang dayuhang pelikula ang ipapalabas. Ang ill be in all Philippine theaters and no foreign films will be exhibited.
“Tangkilikin po natin ang mga pelikulang Pilipino, isang maligayang Kapaskuhan po sa inyong lahat and a Honey-Yul year!!!” Pahayag ni Lacuna sa kanyang munting mensahe bago nagsimula ang parada Kartilya ng Katipunan, at nagtapos sa isang Music Fest sa Manila Post Office ng alas-6 p.m. nitong Sabado. Ito ay libreng concert na tinampukan ng mga local music performers.
Ang golden anniversary parade ay nilahukan ng mga floats ng mga artista at casts ng 10 pelikulang kabilang sa MMFF. Umikot ito sa lungsod mula sa Bonifacio Shrine hanggang sa end point nito na Manila Central Post Office .
Matatandaan na mula sa 39 scripts na isinumite , ang unang limang entries ay pinili at inanunsyo noong July 16, 2024 sa Bulwagang Villegas ng Manila City Hall.
Ang ikalawang batch ng pelikula ay inanunsyo noong October 22, 2024, na napili mula sa mga tapos ng pelikula at isinumite noon o bago mag- September 30, 2024.
Ang tema ng MMFF’s 50th edition ay, “Sinesigla sa Singkwenta.” Ito ay nagtatampok sa 10 maglalaban-laban na mga pelikula sa iba’t-ibang genre. (BONG SON)