Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PA
ni Rommel Placente

MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto sa kabila ng pinagdaraanang mga problema. Una na riyan ang kinasangkutang investment scam sa kanyang endorsement, na kaaagad naman niyang sinagot. 

Sumunod ay ang ongoing divorce nila ng asawang si Trevor Magallanes na mismong ito pa ang  unang  nag-reveal ng kanilang marital problem sa social media. 

Sa Instagram ay nag-post naman ang komedyana ng kanyang mga larawan na may caption ng inspiring lyrics ng kanta ng American singer na si Brandy ng Starting Now.

Patungkol ito sa pagsisimula muli. 

Bago ito, mapapansin ang madalas pag-a-update ni Rufa Mae sa kanyang social media accounts ng magagandang larawan niya at mga positibong quote o lyrics ng isang kanta. 

Gusto naman ng netizens ang mga posting na ito ng aktres comedianne dahil pagpapakita raw ito na okay siya. 

Maaaring ito nga raw ang paraan niya para ipakita sa kanyang mga tagahanga na siya’y nasa maayos na kalagayan sa kabila ng mga pinagdaraanan.

Caption nga ni Rufa sa isang post niya, “Go go go for the 

gold!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …