Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez Julia Montes Topakk

Sylvia saludo kay Julia — napako, nauntog, walang reklamo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SA akin ang puso. Concept ito ni direk Richard Somes. Nagtulungan sila nina Jim (Flores) at Will (Fredo),” ito ang paunang kuwento ni Sylvia Sanchez ukol sa kung paano nabuo at nag-umpisa ang pelikulang Topakk na isa sa entry sa 50th Metro Manila Film Festival na mapapanood simula December 25.

Ani Sylviahiniling lang sa kanya ni direk Richard na tulungan siya pagdating sa puso dahil ang alam lang niyon ay action. “Since ikaw ang nasa serye, may puso,nanay.”

Aminado si Sylvia, producer at may-ari ng Nathan Studios Inc, na sobra siyang nasiyahan sa kinalabasan ng kanilang pelikula.

“Sobra akong satisfied sa pelikula. Ang gagaling pa lahat ng mga artista. Si Julia, ibang Julia ang mapapanood dito, ang galing,” pagmamalaki ni Sylvia kay Julia Montes.

“Sabi ko nga ang Nathan may nakitang bagong babaeng action star, iyon si Julia. Ang galing-galing niya. Hindi siya nagpa-double kahit sa mga delikadong stunt, action. 

“Actually, nagkaroon pa siya rito ng aksidente. Napako siya, ‘yung tuhod. Nauntog siya pero hindi niya iyon ininda, hindi nag-complain, tuloy-tuloy ang take. After na ng scene at saka niya sinabi ang nangyari sa kanya. 

“Nasaktan talaga siya. Pero ang galing, ang galing ni Julia,” nasambit pa ni Sylvia na kitang-kita ang paghanga sa aktres.

Samantala, sobra-sobra ang kasiyahan ni Sylvia na nakasama ang pelikula nilang Topakk sa 50th MMFF.

Ani Sylvia umaasa siyang makatutulong ang Topakk sa action genre. “Sana kapag napanood nila ito, ito na iyong magsilbing path o daan para magkaroon muli ng mga action movie.”

Naibahagi rin ni Sylvia kung gaano siya kasaya sa ginanap na Celebrity and Influencer Advance Screening dahil pawang positibo ang lahat ng reaction sa kanilang pelikula. 

Nakakatuwa, nakaka-inspired. Wala akong narinig na masamang komento. Lahat sila na-appreciate,” wika pa ni Sylvia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …