Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
JK Labajo Sylvia Sanchez Sarah Geronimo

Sarah G proud kay JK; Sylvia ikinakasa world tour

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TUWANG-TUWA at super proud si Sarah Geronimo kay JK Labajo sa matagumpay na concert niyong juan karlos LIVE sa SM Mall of Asia Arena noong Biyernes ng gabi.

Isa si Sarah kasama ang asawang si Matteo Guidicelli sa mga celebrity na nanood ng concert.

Ani Sarah nang mainterbyu pagkatapos ng concert, “So proud of JK, bihira lang ‘yung mga ganyang artists. Grabe ‘yung growth niya, amazing talaga complete package si JK, quality, talent and super sexy!”

Naging finalist sa unang season ng The Voice Kids noong 2014 si JK samantalang isa si Sarah sa mga naging coach nito. Kaya understandable kung bakit ganoon katuwa ang misis ni Matteo.

Maging si Moira dela Torre ay natuwa sa galing ni JK. “So proud of JK. He was amazing. Everything from the visuals, to the stage, to the band.”

Hindi naman makapaniwala si JK na tapos na at napuno niya ang MOA Arena. Ang weird nga raw ng pakiramdam niya, ani JK. “Hindi ko ‘to gets,”

Hindi rin makapaniwala si JK na napagtagumpayan ang isang bongga at napakalaking concert, ang juan karlos LIVE  na ipinrodyus ng Nathan Studios ni Sylvia Sanchez. Si Paolo Valenciano naman ang nagdirehe.

Special guest sa concert ni JK ang mga malalapit sa kanya at kaibigang sina MoiraGloc 9, Janine Berdin, Zild, at Paolo Benjamin ng Ben & Ben.

Kasama rin si Kyle Echarrj na naka-duet niya sa LED screen sa Visayan song na Kasing-Kasing. Kaya pala kasi ganoon dahil nasa Indonesia noong mga oras na iyon ang kaibigan.

Ilan sa nakita naming nanood sa concert bukod kina Sarah, Matteo, sina Martin Nievera, Lorna Tolentino, Eula Valdez, Jed Madela, Ogie Diaz, ang mag-asawang Arjo Atayde at Maine Mendoza, at sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo

Naroon din ang mga co-star ni JK sa Senior High na sina Andrea Brillantes, Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla, Gela Atayde, Miggy Jimenez, at Harvey Bautista.

Sa kabilang banda, dream come true kay Sylvia ang maipag-produce ng concert si JK.

Anang mega producer, “Gusto ko umiyak. Three years kong niligawan si JK, at ito nangyari na. Idea niya lahat ito together with Paolo (Valenciano).

“Sabi ko rati, ‘Nak tara concert tayo.’ Lagi niyang sagot ayaw pa niya. Kaya sabi ko sige hihintayin kitang magsabi.’ Laging ganoon tuwing mag-uusap kami ‘yun at ‘yun ang tanong ko, laging hindi pa rin ang sagot, hindi pa raw siya handa. Magkasama kasi kami sa ‘Senior High’ at kinukulit ko talaga siya.

“Sabi ko pa nga, ‘kaya mo na ‘yan, may ‘Buwan’ at ‘Ere’ ka nang sikat na kanta okay na ‘yan.’ Pero hindi pa rin siya pumapayag.”

At nang dumating ang araw na nagsabi ang kampo ni JK na  handa nang mag-concert ang magaling na singer ikinasiya iyon ni Sylvia.

Sabi sa akin ng UMG, may mga gustong mag-produce na ng show ni JK at sinabi nila kay JK, sabi raw, teka muna, may napangakuan ako, si tita Sylvia ‘yun.”

At dahil super successful ang concert, magkakaroon ng world tour ang juan karlos LIVE sa Australia, Canada, at Amerika next year. 

Sa akin na ipinagkatiwala ng UMG si JK, akin ang rights ng lahat ng jk live concerts niya,” pagmamalaki at masayang pagbabalita pa sa amin ni Sylvia. 

All in all, maganda ang10th anniversary concert ni JK na lahat ay nag-enjoy. Patok na patok si JK lalo na nang kantahin niya ang Ere at Buwan.

Panalo rin at nakatutuwa ung eksenang nagtungo ng backstage si JK na sinusundan siya ng camera kaya kita iyong pagpunas ng pawis sa kanyang likuran. Pagkatapos doon na niya muling sinimulan ang pagkanta backstage hanggang makalabas venue at doon tinapos kanta.

Congratulations JK, iba ka! Congratulations din sa mega producer na si Sylvia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …