Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Barretto Pina Beauty PH

Julia wala munang Christmas vacation, raratsada sa promo ng MMFF entry at endorsement

ni Maricris Valdez Nicasio

Happy si Julia Barretto na busy as a bee ang peg niya ngayon. Kaya naman kahit imposibleng makapagbakasyon siya this Christmas season dahil sa kabi-kabila ang proyekto niya ay okey lang.

Ratsa si Julia sa promosyon ng kanyang 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Hold Me Close kasama si Carlo Aquino at handog ng Viva Films at idinirehe ni Jason Paul Laxamana.

Nariyan din ang kanyang product endorsement na kamakailan ay ipinakilala ang aktres bilang pinakabagong mukha ng Pina Beauty PH.

Perfect choice nga raw si Julia ng kanilang produkto ayon sa Pina executives.

Sinabi pa ng Pina executives na taglay ng dalaga ni Marjorie Barretto ang values ng isang true-blue Pina beauty: Confident at empowered, youthful yet sophisticated.

Ang “Pina” ay mula sa salitang “FiliPINA” na sumisimbolo sa importansiyang ibinibigay nito sa Pinoy heritage at culture.

Layunin ng beauty and skincare brand na i-empower ang mga Pinay at ipanalo ang kahusayan ng mga ito sa iba’t ibang parte ng mundo.

Kabilang sa mga produkto ng Pina ang Pina Light Soap, Pina Glow Soap at Pina Glow Lotion. Ang Pina Light at Pina Glow soaps ay pinarangalan bilang Best Skincare Soaps sa Mega Beauty Awards 2024.

Flattered at blessed naman ang naramdaman ng GF ni Gerald Anderson dahil sa tiwala at pagkakataong iendoso ang Pina Beauty PH at bilib siya sa advocacy nito na iangat ang imahe ng mga Pinay saan mang larangan sa mundo.

Ito nga raw ang isa sa nagpakumbinse sa kanya kaya hindi siya nahirapang um-oo para maging ambassador ng Pina. 

Ang Pina products ay mabibili sa lahat ng SM Malls, All Day Supermarket, Magic Mall, Sta. Lucia Mall, Unimart, at Makati Supermart. Available rin ito sa Shopee, Lazada, at TikTok shops.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …