Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nadine Lustre Baron Geisler Dimples Romana Mon Confiado

Nadine matatagalan pa bago magbalik-serye

MA at PA
ni Rommel Placente

PRESENT si Nadine Lustre sa 39th PMPC Star Awards na ginanap noong Linggo ng gabi sa Winford Resort and Casino, kaya naman personal niyang natanggap ang Movie Actress of the Year award para sa pelikulang pinagbidahan niya, ang Deleter

Nagpasalamat ang aktres sa mga nakasama niya sa pelikula, pero special mention ang Filipino French boyfriend na si Cristophe Bariou, na kasama niyang dumating sa awards night.

Noong Miyerkoles ay kakaharap lamang din naman ni Nadine sa press people para sa presscon ng pelikulang Uninvited, na isa siya sa mga bida kasama ang mga bigating artista na sina Vilma Santos at Aga Muhlach

Entry ito ng Mentorque Productions sa Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25. 

Kaya naman masaya ang fans na visible ang kanilang idol sa pelikula, pero ang ibang mga faney ni Nadine ay nami-miss na siyang mapanood sa teleserye.  

Pero ang sad news, wala pang balak magbalik-teleserye ang aktres.

Huling serye ni Nadine ay kapareha pa ang dating boyfriend at ka-loveteam na si James Reid, ang Till I Met You,  noong 2017.

It’s different working on TV series just because you need more time, lots of time and a lot of attention to TV series. 

“Sometimes it doesn’t really last for like three months lang,” sabi ni Nadine. 

May mga negosyo ring inaasikaso si Nadine. At kung mayroon siyang gustong balikan na gawin, ay ang pagkanta. 

Sa susunod na taon ay babalikan niya ang music at gagawa siya ng panibagong album. 

Si Baron Geisler naman ang wagi bilang Movie Actor of the Year para sa Doll House. At sina Mon Confiado ng Natutulog Ang Gabi at Dimples Romana ang Movie Supporting Actor of the Year and Movie Supporting Actress of the Year respectively.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …