MA at PA
ni Rommel Placente
HINDI na bata at tanggap na ni Aga Muhlach na tapos na siya sa pa-loveteam o gumawa ng mga love story, dahil na rin sa edad niya.
Hindi na rin siya komportable na may kaparehang mas bata sa kanya. Kaya naman nang tinanggap niya ang Uninvited, na isa sa entry sa MMFF 2024, kasama sina Vilma Santos at Nadine Lustre ay laking pasasalamat niya dahil anak niya rito ang huli at hindi love interest.
Sa mga nakaraang pelikula ni Aga ay ipinareha na kina Kristine Hermosa, Anne Curtis, Bea Alonzo, at nitong huli ay kay Julia Barretto.
Sabi ni Aga, “I cannot anymore. Parang hirap na ako gumawa ng mga ganoong istorya na, you’re being paired with a young generation, it’s really hard.
“So, when the film ‘Uninvited’ was offered, this is more..parang, I have the freedom now to do my thing, to be me. To be 55 and act me. So, it was easy for me to say yes,” dagdag pa ng aktor.
Samantala excited si Aga sa pelikulang Uninvited dahil sa kakaiba niyang role na may pagka-dark. Very challenging ito na malayo sa mga love story na tema ng pelikulang ginagawa niya before.
Showing na sa December 25 ang Uninvited mula sa Mentorque Productions.