Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Georgia Francesca Carmina Sanchez Tan Artistic Swimming
KINILALA ang Philippine artistic swimming nang makamit ni US-based Filipina swimmer Georgia Francesca Carmina Sanchez Tan ang tatlong medalya, kabilang ang isang ginto, sa katatapos na 18th Singapore Open Artistic Swimming Championships sa Singapore Aquatic Center.

Tan umukit ng kasaysayan sa artistic swimming

NAKUHA ng Philippine artistic swimming ang kinakailangang tulong para maipakilala ang masang Pinoy nang makamit ni US-based Filipina swimmer Georgia Francesca Carmina Sanchez Tan ang  tatlong medalya, kabilang ang isang ginto, sa katatapos na 18th Singapore Open Artistic Swimming Championships sa Singapore Aquatic Center.

Ang 16-anyos na ipinagmamalaki ng Bacolod City ay nagbigay sa bansa ng isang pambihirang tagumpay sa palakasan na hindi pamilyar sa lokal na komunidad ng palakasan matapos ang kahanga-hangang panalo sa Solo Free Group C Open Seniors na nakakuha ng kabuuang 96.6370 upang talunin si Shashani Fernando ng Sri Lanka ( 95.35.89).

Sa gabay ni coach ni Giella Garcia Sanchez at sinanay kasama ng Meraquas ng Irvine, California, pumangalawa si Tan sa Solo Tech Group C (15-19 Juniors) at nasungkit ang bronze sa Solo Tech Group D (Open Seniors) na may 187.4137 at 130.9950 points, ayon sa pagkakasunod .

“Ipinagdiriwang natin ang milestone na ito para sa Artistic Swim sa Filipinas! Maraming salamat, Philippine Aquatics, Inc. Bukod sa pag-uwi niya para makipaglaban dito sa Singapore, sasabak din siya sa darating na SEA Age Group Championships sa Bangkok, Thailand sa 6-8 Disyembre 2024,” ani Sanchez.

Makakasama ni Tan sa Philippine Team para sa SEA Age Championship sina Antonia Lucia Rafaelle at Zoe Lim.

Bukod sa artistic swimming ipinahayag ni PAI Secretary General Batangas 1st District Congressman Eric Buhain sa isang memorandum na may petsang 18 Nobyembre 2024, ang mga listahan ng mga junior athletes na bubuo ng mga koponan para sa regular na swimming, diving, at water polo.

Ang 13-man swimming team ay bubuuin nina Ryian Zach Danzel, Reinielle Jan Mikos Trinidad, Peter Cyrus Dean, Jaydison Edrei Dacuycuy, Jamesray Mishael Ajido, at Ivo Nikolai Enot para sa boys’ squad habang ang girls’ team ay binubuo nina Micaela Jasmine Mojdeh , Shania Joy Baraquiel, Sophia Rose Garra, Riannah Chantelle Coleman, Maxene Hayley, at Liv Abigail Florendo.

Pinangunahan ng multi-titled junior standout na si Aishel Cid Evangelista ang boys’ water polo squad kasama sina Elijah Caleb De Leon, Lance Edrick Adalin, Matthew Cameron Dasig, Julian Christi Malubag, Miel Joaquin Ugahan, Kenzzie Trey Dumanglas, Niklas Joaquin De Guzman, Andrei Karl Alagban, Joaquin Federico Mirasol, Alexandre Gabriel Establicida, Dave Russel Geda, at Sean Gabriel Enero, habang ang girls squad ay binubuo nina Sofia Isabel de Guzman, Ashly Ann Addison, Alexandra Raesher Dela Paz, Josie Ann Addison, Mitzie Llegunas, Julia Ysabelle Basa, Aygana Ladip, Elizha Joyze Ferrer, Grazielle Faith Burgos, Shinloah Yve San Diego, Judith Margarette Morrison, Cyril Ann Espongia, at Samantha Janine Balagot.

Hahataw sa diving team sina Ma. Gabrielle De Jesus, Chloe Collado, at Jana Mary Rodriguez.

“So, what we have here is a team composed of swimmers who shows their worth as serious competitors. And now it’s up to try and go beyond their current worth, and we, on the other hand, continue our monitoring and evaluation of, ang kanilang pag-unlad. Ito ay bahagi ng aming programa na may layuning makalikha ng susunod na pangkat ng mga tunay na pambihirang at malalaking atletang handa sa labanan,” ani Buhain. (HATAW Sports)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …