Sunday , January 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nadine Lustre Vilma Santos Aga Muhlach

Nadine sa pakikipagtrabaho kina Vilma at Aga — An oppurtunity of a lifetime

MA at PA
ni Rommel Placente

ISA si Nadine Lustre sa mga bida sa pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions. Gumaganap siya rito bilang si Nicole, anak ni Aga Muhlach.

Isang malaking hamon na naman sa acting ni Nadine ang mapabilang sa pelikula na entry sa Metro Manila Film Festival 2024.

Alam naman natin na last year ay siya ang itinanghal na best actress sa MMFF para sa pelikulang Deleter.

This time, bukod kay Aga, makikippagtagisan din siya sa akting kay Vilma Santos,na isa rin sa bida sa Univited.

Ikinuwento ni Nadine sa mediacon ng Uninvited kung paano niya ito agad tinanggap noong in-offer sa kanya.

Ayon sa aktres, nang tawagan siya ng direktor nila na si Dan Villegas, at  ikwento ang synopsis, hindi pa raw tapos ang pag-e-explain sa kanya,  agad siyang napasabi ng, “game na.” 

Lalo na nang nalaman niya na makakasama niya sina Vilma Santos at  Aga. 

Kailan ko ba masasabi na nakatrabaho ko sila (Vilma at Aga) in one film? This is an oppurtunity of a lifetime,” sey niya. 

Kaagad niyang tinanggap ito. Pag- amin naman niya na noong umpisa ng kanilang shooting, pagdating niya sa set ay kabado siya, dahil bigating mga artista nga ang kasama niya. Pero naramdaman niya ang mainit na pagtanggap sa kanya ng lahat ng cast lalo na nina ate Vi at Aga. 

Bukod kina ate Vi at Aga, kasama rin sa pelikula sina Mylene Dizon, Gio Alvarez, Ketchup Eusebio, Gabby Padilla, Ron Angeles at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …