Tuesday , December 31 2024

Juan Karlos ninenerbiyos habang papalapit ang konsiyerto

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio  

NAGHAHANDA na ang singer-songwriter na si Juan Karlos Labajo para sa kanyang unang major concert, ang juan karlos LIVE sa Nobybre 29, SM Mall of Asia Arena.

Ididirehe ni Paolo Valenciano kasama si Karel Honasan bilang musical director, pangako ng show na once-in-a-lifetime experience ito para sa mga tagahangga ni JK.

Right now, I’m just trying to really enjoy the process, focusing on the flow of the whole show and focusing on the things I do have control over, like the setlist. Mas magiging nervous ako habang papalapit na ang concert,” sabi ni JK. 

Nakipagtrabaho si JK kina Valenciano at Honasan pra tiyakin na maipamamalas sa concert ang bagong aspeto niya bilang isang performer. Aniya, “We’ll be performing songs that we haven’t performed before, and I’m also going to share the stage with the people I’ve released songs with.”

Makakasama ni JK sa spotlight ang kanyang stellar lineup of guest performers. Una si Paolo Benjamin Guico ng beloved folk-pop band na Ben&Ben. Kilala sa kanyang deeply personal songwriting, nakipag-collab si Guico kay JK sa Tapusin Na Natin ’To noong 2023 – isang track tungkol sa toxic relationships.

Makakasama rin si Zild Benitez. Sumikat si Zild bilang bahista at bokalista ng IV of Spades at ngayon mayroon na itong matagumpay na solo career. Ang kanyang collaboration kasama si juan karlos sa Gabi mula sa Sad Songs and Bullshit Part 1 album, na lumabas noong 2023, ang nagpatibay ng kanilang samahan bilang songwriters. Ang isa pa nilang collaboration, ang Lunod na gianwa nila kasama ang Ben&Ben noong 2021 — ay tungkol sa emotional turmoil at mental health, at standout ito sa Ben&Ben’s Pebble House, Vol. 1: Kuwaderno album.

Featured din si Janine Berdin sa concert, na unang sumikat bilang winner ng Tawag Ng Tanghalansecond season sa It’s Showtime. Kilala sa kanyang emotional performances at powerful vocals, may collab din sina Janine at JK sa awiting Pancit noong 2022, na bahagi ng three-track Drop 1 project ni JK. Isang playful tale of puppy love, paired with an Alice in Wonderland-inspired music video, ang nagbigay daan para ito ay maging fan favorite. Maliban sa kanyang performance bilang guest, si Janine rin ang front act ng juan karlos LIVE, na sa kanilang pagsasama tiyak na hindi malilimutan na gabi.

Makakasama rin ni JK si Moira Dela Torre, na kilala rin bilang isa sa pinakamahusay na songwriters ng kanyang henerasyon. Ang kanyang collab kasama si JK sa awiting Medyo Ako mula sa Sad Songs and Bullshit Part 2 album ay tungkol sa hiwalayan. Highlighted sa kanta ang blending ng kanilang boses, na live mapapanood sa concert. 

Join din ang OPM icon na si Gloc-9. Noong 2020, nag-collab sila ni JK sa Sampaguita, isang awitin tungkol sa mga emotional struggle at sakripisyo ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs). Pinagsanib ng awitin ang soulful vocals ni JK at ang mga berso ni Gloc-9 na alay sa mga paghihirap ng mga OFW. 

Ang paglalakbay ni juan karlos ay nagsimula noong 13-year-old siya na finalist sa The Voice Kidshanggang sa naging isa sa pinaka-matagumpay na artists ng OPM. Matapos ang dalawang solo album, binuo ang bandang juan karlos, na siyang naglabas ng Buwan na isang modern OPM classic. 

Maliban sa music, nagmarka rin si JK bilang isang aktor sa kanyang paglabas sa mga seye gaya ng Hawak-Kamay, Pangako Sa ’Yo, A Love to Last, at Senior High sa ABS-CBN.

Ang kanyang paganap sa High Street at sa Netflix film na Lolo and the Kid ay nagpamalas din ng kanyang versatility bilang isang artist.

Ang juan karlos LIVE ay produced ng Nathan Studios na minamarkahan ang unang pagsabak sa live entertainment ngayong 2024. Kilala ang Nathan Studios sa cutting-edge content gaya ng Topakk at mga series na gaya ng Cattleya Killer at The Bagman. Sa tulong ng record label ni JK na Universal Music Group, layunin din ng concert na baguhin ang standards ng OPM performances.

Ang ticket sa juan karlos LIVE ay PHP 750 (General Admission), PHP 8,500 (SVIP) na may exclusive perks tulad ng shirt, tote bag, photo opportunity, at signed poster. 

Sa paghahanda ni juan karlos, tiyak ipagdiriwang nito ang kanyang journey at ipakikita ang kanyang puwesto at ambag sa OPM. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF50 Topakk Uninvited

‘Uninvited’ at ‘Topakk’, parehong must-watch-movies sa MMFF50

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAPANOOD namin pareho ang mga pelikulang ‘Uninvited’ at ‘Topakk’ last …

Aga Muhlach Uninvited

Aga mapapamura ka sa galing

RATED Rni Rommel Gonzales NAIMBITAHAN kami ng Mentorque Productions, thru colleague Reggee Bonoan sa block screening for the …

Arjo Atayde Aga Muhlach Dennis Trillo Piolo Pascual

Arjo maile-level na kina Aga, Dennis, at Piolo

RATED Rni Rommel Gonzales BATANG paslit pa lamang si Arjo Atayde ay kilala na namin siya at …

Rosh Barman

Rosh nagpapasalamat sa Nathan Studios

MATABILni John Fontanilla ISANG malaking karangalan para sa aktor na si Rosh Barman ang makasama sa  pelikulang Topakk na …

Nadine Lustre Mali Elephant

Nadine nalungkot  preserbang katawan ni Mali idinispley 

MATABILni John Fontanilla HINDI nagustuhan ni Nadine Lustre nang makitang display sa Manila Zoo ang naka-preserve na …