Sunday , December 22 2024
Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong mapagkakatiwalaan, makatao, intelihente, at may pagmamahal sa bansa ang dapat iboto sa darating na May 2025 midterm elections. 

Ang Independent Minded Group (IMG) ay isang boses ng mga mamamayan, mga magbubukid, laborers, guro, estudyante, at trabahador, ay humihikayat sa mga Filipino na ang kanilang mga boto ang siyang kinabukasan ng bansa.

Nanawagan din ang IMG na iwasang tangkilikin ang mga kaalyado ng mga Duterte sa darating na May 2025 midterm elections, na pinamumunuan ni dating President Rodrigo Duterte, na ang pamilya ay kilalang sikat na political dynasty sa Mindanao. Ang kanyang anak ay si Vice President Sara Duterte, samantala ang panganay na anak na si Paolo ay isa namang congressman at si Sebastian Duterte ang kasalukuyang  mayor ng  Davao City.

“Electing these politicians will make the future of our country and the next generation of Filipinos at great peril,” pahayag ng IMG.

Ipinaliwanag ng grupong IMG na ang mga Duterte ay binabalewala  ang demokrasya ng bansa, na binabansagang human rights violators at malapit na kaibigan ng China na umaagaw ng teritoryo ng Filipinas sa West Philippine Sea.

Noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, naging laganap ang pagpatay sa mga hinihinalang drug pushers at adik, kabilang sa mga pinatay ay ang 17-anyos na si Kian delos Santos noong August 2017.

Mariin namang itinanggi ni Duterte ang kanyang partisipasyon sa pagkamatay ni Kian. Ngunit inamin sa harap ng mga mambabatas na siya ang nagpasimuno ng war against illegal drugs,  at giniit na isa itong paraan para maprotektahan ang mga insosente at mahinto ang illegal drugs sa bansa.

“My mandate as President of the Republic was to protect the country and the Filipino people. Do not question my policies because I offer no apologies nor excuses. I did what I had to do,” saad nito sa isang Senate hearing.

Samantala, si Vice President Sara Duterte ay maaaring maharap sa kasong “plunder” dahil sa hindi nito maipaliwanag nang maayos kung paano niya nagastos ang  P112.5 milyong confidential fund mula sa Department of Education (DepEd), sa loob lamang ng maigsing panahon bilang pinuno ng DepEd.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …