Monday , March 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Money OVP Office of the Vice President

Sara Duterte unang VP na mayroong P500M confidential fund — OVP chief accountant

ni GERRY BALDO

KINOMPIRMA ng chief accountant ng Office of the Vice President (OVP) na si Vice President Sara Duterte ang kauna-unahang Bise Presidente na nagkaroon ng P500 milyong confidential fund.

Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, tinanong ni Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez si OVP Chief Accountant Julieta Villadelrey na nakapasok sa OVP noong 1990 kung kailan ang Bise Presidente ay si Salvador Laurel sa ilalim ng unang Aquino administration.

“Since Vice President Laurel’s time, this is the first instance that the OVP has been granted such a significant amount in confidential funds, correct?” tanong ni Suarez kay Villadelrey.

“As I recall, your honor, that is correct,” sagot ni Villadelrey, na isang pagkompirma na ngayon lamang nabigyan ng malaking confidential fund ang OVP.

Ayon kay Villadelrey, ang P500 milyong confidential fund ay ibinigay ng tig-P125 milyon mula sa huling quarter ng 2022 hanggang sa ikatlong quarter ng 2023.

Ang pondo ay nakalagay umano sa Good Governance Program ng OVP.

Pero sinabi ni Villadelrey na wala itong alam kung paano ginastos ang naturang pondo.

Sa pagtatanong ni Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro kay OVP Budget Office Chief Administrative Officer Kelvin Gerome Teñido sinabi nito na walang confidential fund na inilaan sa OVP noong panahon ni VP Leni Robredo, ang pinalitan ni Duterte.

“There was no confidential fund during the time of Vice President Leni Robredo,” sabi ni Teñido na nakapasok sa OVP noong 2014, panahon ni VP Jejomar Binay.

Sinabi ni Teñido, mayroong hininging confidential fund si Binay pero ang alam niya ay pinabalik din ito.

Ayon kay Luistro mayroon itong impormasyon na isang beses lang humingi ng confidential fund si Binay.

Sa nakaraang pagdinig, iprenesinta ni Luistro ang paglalaan ng daang milyong confidential fund ng Davao City government sa ilalim ng pamumuno ni Duterte. Itinuloy umano ni Duterte ang pagkuha ng malaking confidential fund nang pamunuan nito ang OVP.

Noong 2016, ang confidential fund ni Duterte bilang alkalde ng Davao City ay P144 milyon, umakyat ito sa P294 milyon noong 2017, P420 milyon noong 2018, at P460 milyon mula 2019 hanggang 2022.

Sinabi ni Luistro na sina Zuleika Lopez at Gina Acosta ay mga tauhan ni Duterte sa Davao at kanyang isinama sa OVP at sila ang nangangasiwa sa confidential funds.

Hindi pa dumadalo sa pagdinig sina Lopez at Acosta sa kabila nang paulit-ulit na pagdinig ng komite.

Pinuna ni Suarez si Villadelrey na dumalo lamang matapos maglabas ng subpoena ang komite.

“In the past hearings, we sent invitations. Why did you only attend now?” tanong ni Suarez.

Ipinaliwanag ni Villadelrey na sa unang ipinadalang imbitasyon ng komite siya ay naka-leave.

Nang bumalik sa trabaho, marami umano siyang kailangang habuling trabaho kaya hindi nakadalo sa pagdinig.

Punto ni Suarez, “In your 34 years of service, it shouldn’t have taken a subpoena. A mere invitation should have sufficed.”

Itinutulak ng mga kongresista ang pagkakaroon ng transparency sa paggamit ng confidential funds. (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Archi Adamos Arron Villaflor Pater Noster

Pater Noster hitik sa aksiyon, pagiging ama tinalakay

HARD TALKni Pilar Mateo PALABAS na sa mga sinehan ang Pater Noster na nagkaroon ng premiere kamakailan. …

Spikers Turf Voleyball

King Crunchers, target ang sweep; Final Four contenders umiinit sa huling salpukan

Mga laro ngayong araw (Paco Arena) 1 p.m. – VNS vs Alpha 3 p.m. – …

Engr Gaspar Escobar Jr ICSC Teddy Brul

Ipaglaban matatag at makabayang sistema ng enerhiya – ICSC

PANAYAM kay Engr. Gaspar Escobar, Jr., grid modernization advisor ng Institute for Climate and Sustainable …

We Stannin HARD Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We Stannin’ HARD: Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We are all about that stan life. A new album from a rising artist? Fanboy/fangirl …

QCPD Quezon City

Pagkonsumo ng koryente, nilimitahan ng QCPD

BILANG suporta sa deklarasyon ng State of National Energy Emergency, nilimitahan ng Quezon City Police …