Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lovi Poe JM de Guzman Jameson Blake

Lovi nagmumura ang kaseksihan, pinalakpakan sa husay umarte

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KUNG may isang artistang gandang-ganda at seksing-seksi kami, si Lovi Poe na iyon. Kahit walang dibdib o hindi ganoon kalaki ang puwet, panalo pa rin sa lakas ng dating ang aktres.

Kitang-kita ang kaseksihan ni Lovi sa pelikulang handog ng Regal Entertainment, ang Guilty Pleasure na pinag-agawan nina JM de Guzman at Jameson Blake.

Mapaka-TV, pelikula o picture malakas talaga ang dating ni Lovi idagdag pa ang galing niyang umarte. Ang pelikulang ito ang isa sa maituturing na the best movie ni Lovi na talaga namang napakahusay ang pagkakaganap bilang si Atty. Alexis Miranda.

Panalo ang tandem nila ni JM na gumaganap ding abogado tulad ni Jameson  kaya naman pagkatapos mapanood ang kanilang pelikula sa isinagawang premiere night noong Martes sa SM The Block, nakatanggap ang mga ito ng masigabong palakpakan.

Bukod kasi sa mahuhusay ang artista, magaling din ang pagkakadirehe ni Connie Macatuno gayundin ang pagkakasulat at pagkaka-edit. Sabi nga tatak Connie ang pelikula na malinis, maayos, maganda. 

Tunay na inangkin ni Lovi ang pelikula at makailang beses naming nasabi na napaka-husay ng aktres.

Mahusay din ang pagdadala ni Lovi sa mga 

Filipininana outfit, na bagay na bagay sa kanya at lalong nagpakita ng kanyang kaseksihan.

Makailang ulit ding nagpakita si Lovi ng kaseksihan habang naka-panty at bra gayundin ang kanyang leading men na may pa-puwet. Opo nagpatalbugan sina JM at Jameson sa pagpapakita ng puwet at kayo na ang humusga kung kanino ang makinis at maganda.

Basta ang masasabi namin, maganda ang pelikulang ito na hindi n’yo dapat palampasin dahil ang istorya nila ay tunay na nangyayari sa tunay na buhay.

Showing na sa cinemas nationwide ang pinakamainit na pelikula ng taon, ang Gulty Pleasure na sinuman ang makapanood tiyak sulit ang ibabayad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …