MA at PA
ni Rommel Placente
IPINAKILALA na noong Wednesday ni Ms Rei Anicoche Tan, CEO-President ng Beautéderm ang ambassadors ng Belle Dolls by Beautederm na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Sofia Pablo, at Shaira Diaz.
Ipinaliwanag ni Ms Rei sa mediacon ng Belle Dolls ang ibig sabihin nito.
Sabi niya sa kanyang speech, “Today, we officially launched my new baby, Belle Dolls by Beautederm.
“Belle, means beautiful. And doll, of course, that’s me. Look at may mole. Tingnan ninyo po ‘yung nasa packaging, ako po ‘yun.”
Patuloy niya, “This moment means so much to me. We are here to celebrates success, sparkle and stories of growth.
“Belle Dolls is for every man who values himself. For every woman who likes the sparkle, and for you, everywhere, who also achieve the healthiest and glowingness version of yourself.”
At kung bakit ang apat na bagets ang kinuha niyang endorsers ng Belle Dolls, ang paliwanag ni Miss Rei, “May mga endorser na tayong nasa 60’s, 50’s, 30’s. 40’s, tulad nina ate LT (Lorna Tolentino), ate Sylvia (Sanchez), kuya Gabby (Concepcion), Glydel (Mercado), Tonton (Guttierez) at marami pang iba.
“So kailangan this time, gusto ko namang magkaroon ng babies na mas bagets sa kanila,” sabi ni Ms Rei.
“Kapag kumukuha ako ng endorser, ang unang-unang inaalam ko, mabait ba ‘yan? Masipag ba ‘yang mag-post?
“Masisipag ang mga batang ito at mababait,” papuri pa ni Ms Rei kina Ysabel, Shaira, Sofia, at Miguel.
Ang suwerte ng apat na bagets mula sa Sparkle GMA Artist Center dahil part na sila ng pamilya ng Beautederm. Mai-experience nila ang pagmamahal at pag-aalaga ni Ms Rei, na gaya ng ginagawa nito sa lahat ng kanyang endorsers.
Ang Belle Dolls ay may limang flavors. Ang mga ito ay ang Premium Glutathione & Premium Vitamin C, Stem Cell Juice Drink, Caramel Macchiato, Dark Chocolate, at Collagen Juice Drink.