Wednesday , December 25 2024
Vivamax VMX 12M

VMX 12M na, sangkaterbang proyekto bubulaga

NANGGULAT na naman ang Vivamax sa pag-aanunsiyong mayroon na silang 12 million subscribers.

Sa ilang taong pagpo-produce ng Vivamax ng mga exciting at kontrobersiyal na mga istorya, marami na itong nahikayat na mga audience. Tinupad ng platform ang pangako na mag-release ng mga kaabang-abang na content linggo-linggo at patuloy na nag-e-entertain sa mahabang listahan ng mga nakaiintrigang original movies. 

Samahan ang Vivamax na i-celebrate ang 12 million subscribers achievement nito at kung paano binago ang industriya at ang viewing habits ng milyon-milyong tao saan man sa mundo.

Makisaya sa success na ito ng Vivamax dahil marami itong hinandang sorpresa sa lahat ng tagasuporta. Una ay ang pagkakaroon ng bagong logo, ang VMX na mayroong bagong itsura at bagong statement pero nananatili pa rin ang brand identity na kilalang-kilala na ng marami.

Isa pang dapat i-celebrate ngayong 2024 ay narating na rin nito ang big screen at nag-entertain ng mga manonood sa sinehan. Ang first-ever cinema release nila ay ang Unang Tikim na idinirehe ni Roman Perez Jr. at pinagbidahan nina Robb GuintoMatt Francisco at Angeli Khang. Mapapanood na rin sa VMX at available na for streaming ngayong November.

Isa pang dapat abangan sa VMX ay ang theatrical release ng pelikulang idinirehe ni McArthur C. Alejandre, ang Celestina: Burlesk Dancer na nang ipakita sa mediacon ay may promise at maganda ang trailer. Ang pelikula na nakaset sa 1940s, ay tungkol sa isang babae na naging burlesque dancer para suportahan ang anak matapos iwan ang mapagmalupit na asawa. Mapapanood ito sa huling buwan ng taon.

Hindi rin magpapapigil ang VMX sa linggo-linggong pagri-release nito ng pelikula. Noong Setyembre, anim na bagong pelikula ang available sa platform, F–Buddies(Denise Esteban, Candy Veloso, Calvin Reyes, Mon Mendoza), Throuple (Sahara Bernales, Audrey Avila, Arah Alonzo, Aerol Carmelo), Uhaw (Angeli Khang, Ataska Mercado, Itan Rosales), Paluwagan (Micaella Raz, Sheina Yu, Victor Relosa, Chad Solano), Pilya (Dyessa Garcia, Cess Garcia,Dani Yoshida, Chester Grecia), at Kiskisan (Robb Guinto, Skye Gonzaga, Apple Dy, Juan Paolo Calma).

At sa mga natitirang buwan ng taon, patuloy ang VMX sa pagpo-produce ng mga pelikulang ikaliligaya ng mga manonood. Ngayong Oktubre, napanood ang Salsa ni L (Christine Bermas, Sean De Guzman, Jeffrey Hidalgo), Tahong (Candy Veloso, Salome Salvi, John Mark Marcia, Emil Sandoval), at Tatsulok (Mariane Saint, Skye Gonzaga, John Mark Marcia). Apat na bagong pelikula pa ang magpe-premiere – Undergrads (Rica Gonzales, Athena Red, Van Allen Ong), Halinghing(Aiko Garcia, Jenn Rosa, Josef Elizalde), Krista (Cess Garcia, Zsara Laxamana, Karl Aquino, JD Aguas), at Donselya (Dyessa Garcia, Arnold Reyes, Anthony Davao, Chloe Jenna, Vern Kaye).

At sa Nobyembre, ipalalabas naman ang Baligtaran (Apple Dy, Skye Gonzaga, Calvin Reyes), Ungol(Audrey Avila, Stephanie Raz, Chad Solano, Ghion Espinosa), Kabitan (Alessandra Cruz, Athena Red, Chester Grecia, Juan Paulo Calma), Maryang Palad(Sahara Bernales, Vince Rillon), Pukpok, (Allison Smith, Arah Alonzo, Mon Mendoza, Rash Flores, Seon Woo Kim), at Boss Ma’am (Jenn Rosa, Vern Kaye, Aerol Carmelo).

At sa huling buwan ng 2024, abangan ang Silip (Rica Gonzales), Pin/Ya(Angelica Hart, Candy Veloso, Julian Richard), Forbidden Desire (Aiko Garcia, Vern Kaye, Josef Elizalde), Lamas(Ataska, Christy Imperial, Mark Anthony Fernandez), Secret Sessions (Alessandra Cruz, Nico Locco), Stepmother Story (Sahara Bernales, Stephanie Raz, Victor Relosa, Josh Ivan Morales), atBoy Kaldag (Benz Sangalang, Dyessa Garcia, Azi Acosta, Angeli Khang). Abangan din ang extra special content nina Salome Salvi at Apple Dy – VMX Top 10.

Tuloy-tuloy din ang VMX sa goal nito na maging global at planong mas mapalawak pa ang audience, hindi lang mga Filipino na nasa abroad, pati na rin ang ibang lahi. Ang mga VMX movies tulad ng Adan, Housemaid, at marami pang iba ay magkakaroon na ng localized release sa Japan. Maaring nang panoorin ang mga pelikulang ito na may Japanese subtitles o ‘di kaya ay Japanese dubbed version.

Hindi lang sa pagiging streaming platform naging successful ang VMX, ang ilan ding VMX stars ay nakilala, nagkaroon ng following, at mapapanood din sa mainstream media. Sina Angeli at Salome ay naging parte ng primetime series ng GMA Network na Black Rider, Quinn Carrillo sa Primetime series na  Asawa Ng Asawa Ko. Si Christine Bermas naman ay isa sa mga host ng variety game show ng TV5 na Wil To Win at kamakailan ay napanood din si Azi Acosta sa hit primetime serye ng TV5 na Carlo J. Caparas’ Lumuhod Ka sa Lupa.

At ngayon, may pagkakataon na ang lahat na maging next big VMX Star. Maghanda na para sa spotlight at sumali sa VMX talent search. Isang kompetisyon para sa mga dalagang edad 18 hanggang 21, na layuning makahanap ng star in the making na handang sumabak sa mature roles at bumida sa maraming pelikula ng VMX. Baka ito na ang role of a lifetime na hinihintay mo. Abangan ang mga detalye at dates para sa submission of entries!

Bukod sa mga pelikula na streaming online, pag-premiere sa mga sinehan, at paghahanap ng fresh new talents, mas palalawakin pa ng VMX ang kanilang audience sa paggawa ng mga kaabang-abang na events na bibida ang ganda, talento, at creativity. Sumali na, makisaya at ma-entertain sa Film Festivalng VMX at sa Project X: VMX Fashion Show.

Ang VMX Film Festival ay magso-showcase ng mga pelikulang tatak VMX at ito ay sa direksiyon ng mga filmmaker na first time gagawa sa VMX. Layunin ng film festival na ito na makakonekta pa sa mga audience sa lahat ng kasarian. Layunin din nito na makapagbigay ng oportunidad para sa mga taong may angking talent sa paggawa ng mga kapana-panabik at worth-watching na stories.

Ang Project X: VMX Fashion Show naman ay pangungunahan ng 14 VMX artists – sina Rica Gonzales, Sahara Bernales, Robb Guinto, Angela Morena, Micaella Raz, Stephanie Raz, Mariane Saint, Jenn Rosa, Apple Dy, Dyessa Garcia, Audrey Avila, Skye Gonzaga, Aiko Garcia, at Zsara Laxamana.

Inspired sa glitz and glamour ng iconic na Victoria’s Secret Fashion, ang event na ito ang mag-aangat ng kasiyahan sa fashion shows. Ang Project X: VMX Fashion Show ay pangungunahan nina celebrity choreographer Jobel Dayrit at award-winning director, Paul Alexei Basinillo. (MValdez)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …