Wednesday , December 25 2024
Julie Anne San Jose Church 2

Julie Anne humingi ng sorry, GMA Sparkle inako ang responsibilidad

MA at PA
ni Rommel Placente

ISA si Julie Anne San Jose sa nag-perform sa isang benefit concert sa Mamburao, Mindoro, noong October 6, 2024 na pinamagatang Heavenly Harmony Concert, Harana Para Kay Maria na ginanap sa simbahan ng Nuestra Señora Del Pilar Shrine.

Kasama ni Julie Anne na nag-perform ang The Clash Season 3 champion na si Jessica.

Nag-trending ang video ng performance ng singer-actress na humataw siya sa tugtuging Dancing Queen habang naka-gown na may slit.

Pinuna ito ng ilang netizens dahil kumanta si Julie Anne sa altar na pinagmimisahan.

Pero deadma lang ang dalaga. Hindi siya nag-react.

‘Yun din naman ang pananaw ng karamihan na hindi lahat na bashing ay dapat patulan.

Pero ipinaliwanag ng ilang taong malapit kay Julie Anne na bago sila pumunta sa naturang event, ipina-approve raw nila lahat iyon sa organizer ng concert.

Pati ang suot ni Julie Anne at ang line up ng kakantahin niya ay ipina-approve rin.

Nilinaw nilang hindi naman iyon religious concert, kahit sabihin pang sa simbahan ito ginanap.

Samantala,naglabas na ang GMA Sparkle management ng official statement hinggil sa kinasasangkutang kontrobersiya ngayon ni Julie Anne.

Inako ng Sparkle ang responsibilidad sa nag-viral na video na nakatikim nga ng pambabatikos ang aktres mula sa netizens.

Narito ang kabuuang pahayag ng talent management ng Kapuso Network.

Sparkle would like to officially address the current issue regarding Julie

Anne San Jose’s performance at the Nuestra Señora Del Pilar Parish.

Sparkle GMA Artist Center takes full responsibility for Julie Anne’s attendance at this event. It is our job to coordinate and clear details with the organizers and relay the instructions to our artist.

Julie Anne only fulfilled her duties and commitment as a true professional. She is a devout Catholic and had no intention of disrespecting the Church or its members.

We are truly sorry to those we have offended. We hope that this puts the issue to rest. We apologize to Julie Anne as well.

Moving forward, we will be more vigilant in our coordination efforts to ensure such incidents do not happen again. Sparkle would like to officially address the current issue regarding Julie Anne San Jose’s performance at the Nuestra Señora Del Pilar Parish.”

Bago ang pag-ako ng pagkakamali ng management ni Julie Anne, nauna nang humingi ng sorry ang singer/aktres.

Anito, “I am offering my apologies. Even though my only intentions were to share joy and to give support to the church through the benefit concert, many have felt offended about the incident I was in and with my performance which caused distress. I truly, sincerely apologize.. This is a lesson learned and it is assured that it will not be repeated. 

“I am not perfect but please know that I have strong beliefs and my faith is unbreakable and cannot be shaken. I pray that we can all move forward with compassion in our hearts. Thank you. 🙏

About Rommel Placente

Check Also

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …