Friday , October 4 2024
Rhian Ramos Sam Verzosa SV

Rhian suportado pagtakbo ni SV— I’ve never campaign anyone in my whole life pero if he needs me andoon ako 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SAMPUNG mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng P200-M ang ibinenta ni Tutok To Win PartylistRepresentative at host ng Dear SVSam Verzosa para sa kanyang itatayong dialysis center sa Sampaloc, Manila at iba pang lugar sa Maynila.

Ang auctioned ay inihayag ni Sam kamakailan sa Driven To Heal: A Fundraising drive charity event na isinagawa sa Fronthrow office sa Quezon City. Kasama sa auctioned ang mga sasakyang BMQ, McLaren, Maserati, Bently, Audi, Rolls Royce, Ferrari, at Lamborghini na ayon kay Sam minsan lang niya nagamit ang mga ito kaya napakasuwerte ng mga makakabili.

Sa mga sasakyang nabanggit, ang Bentley ang may sentimental value sa kanya dahil aniya, request iyon ng kanyang ama.

Isa iyan (Bentley) sa mga request niya sa akin. Noong na-order ko na, sadly he passed away.

“Inisip ko talaga kung iki-keep ko ito for sentimental purposes or ibebenta ko. Pero naisip ko mas magiging proud siya kung ibebenta ko ito kasi mas marami siyang matutulungan,” esplika ng tatakbong mayor ng Maynila sa darating na eleksiyon next year.

Ang Audi R8 naman sa mga sasakyan niya ang maituturing na standout dahil ganitong sasakyan ang ginamit ni Hollywood star Robert Downey Jr at ginamit sa pelikulang Iron Man.

Nakalululang tingnan ang mga mamahaling sasakyan ni SV at kahanga-hanga siya sa gawaing ito dahil hindi naman biro ang magpakawala ng mga ganitong koleksiyon ng sasakyan. Pero dahil mahal niya ang mga kapwa niya taga-Maynila pakakawalan niya ito dahil alam niyang mas marami ang makikinabang sa itatayo niyang dialysis centers sa Intramuros, Quiapo, Tondo, Ermita, Malate at iba ang lugar.

Dito ako lumaki sa Maynila kaya gusto ko lang ibalik ang mga blessing ko sa mga taga-Maynila,” giit ni SV.

Samantala, sinuportahan ni Rhian Ramos ang fundraising event ng kanyang BF na si Sam. Anang aktres, sumasama siya sa activities ni SV kung wala rin siyang commitment. 

Suportado ni Rhian ang pagtakbo bilang mayor ni SV. Aniya hinahangaan niya ang pagiging cool lang nito.

If I were him I will be stress pero so far hindi naman siya stress. At kapag nagpi-pray kami hindi namin pinagpe-pray na sana manalo. Kung ano lang talaga ang will sa kanya ni Lord at kung ano ang magiging purpose. Parang Lord thy will be done, it’s up to You kung saan Mo siya dadalhin. “

Hindi rin matiyak ni Rhian kung lagi niyang masasamahan si SV sa mga pupuntahan nitong lugar kapag ratratan na ang kampanya. Aminado rin itong never siyang nangampanya kahit kanino. “I’ve never campaign anyone in my whole life, I’m anti-campaigning. Pero if he needs me there for whatever reason or kung gusto niyang naroon ako and para ma-check ko rin siya make sure he’s drinking water and whatever, andoon ako.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Diwata

Diwata papasukin ang politika para maging boses ng mga vendor 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging Online Sensation at matagumpay na negosyante, sasabak na rin …

Alexa Ilacad Ryrie Sophia Kim Ji-soo Mujigae

Korean actor Kim Ji Soon bilib sa child star na si Ryrie Turingan

MATABILni John Fontanilla NAPAHANGA ang Korean actor na si Kim Ji Soo sa  husay magsalita ng Korean …

Alexa Ilacad Ryrie Sophia Kim Ji-soo Madonna Tarrayo Mujigae

Alexa hinangaan na trailer pa lang ng Mujigae

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MATAGAL bago muling nakagawa ng pelikula ang Uxs (Unitel x Straightshooters) at …

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Perya feels handog ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PERYA feels ang ibinabandera ng pinakabagong laro ng BingoPlus, ang …

Christine Bermas Jeffrey Hidalgo Jonica Lazo Salsa ni L

Christine Bermas, seductive at palaban sa ‘Salsa Ni L’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAG-AALAB ang mga damdamin sa seductive drama na ‘Salsa Ni L’ na …