Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
100224 PH Under-20 water polo team sasabak sa Malaysia Open
ANG Philippine Under-22 water polo team sa kanilang pagbisita sa PSC Office na lalahok sa 65th MILO-DSA-PRM Malaysia Open Water Polo Championships na nakatakda sa Oktubre 4-6 sa National Aquatic Center sa Kuala Lumpur, Malaysia. (HENRY TALAN VARGAS)

PH Under-20 water polo team sasabak sa Malaysia Open

SASABAK ang Philippine Under-22 water polo team  sa 65th MILO-DSA-PRM Malaysia Open Water Polo Championships na nakatakda sa Oktubre 4-6 sa National Aquatic Center sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Binubuo ng mga kabataan at kompetitibong manlalangoy na napili sa isinagawang  Pambansang tryout noong Hulyo, ang koponan ay binubuo nina Elijah Caleb De Leon, Lance Edrick Adalin, Lance Jacon Bautista, Matthew Cameron Dasig, Niklas Joaquin De Guzman, Kenzzie Trey Dumanglas, Alexandre Gabriel Establecida, Aishel Cid Evangelista, Julian Christi Malubag, Joaquin Federico Mirasol, Miel Joaquin Ugaban, Hugo Victor Lopez, Carl Malbas at Reynaldo Theodore Espineli.

“Ito ang unang international exposure para sa team. Bata pa sila ngunit puno ng potensyal. Ang torneo na ito ay bahagi rin ng kanilang paghahanda para sa Southeast Asian Age Group Championship sa Disyembre sa Bangkok, Thailand,” ani Philippine Aquatics, Inc. (PAI) Secretary-General Batangas 1st District Congressman Eric Buhain.

Aalis sila patungong Malaysia sa Miyerkules kasama sina coach Sherwin Dela Paz, Teodore Roy Canete, Roi Dela Cruz, at referee Tani Gomez.

Hindi sasali sa koponan si Serbian coach Filip Stojanovic dahil ang kanyang pagtatalaga bilang team consultant/coach ay naaprubahan lamang ng Philippine Sports Commission (PSC) noong nakaraang linggo.

“But for almost three months, kasama na siya (Stojanovic) sa training ng team. Libre lang yung service for that period dahil gusto niya talagang maturuan ang mga bata. Inirekomenda agad ng PAI sa PSC ang coaching services ni Stojanovic, at noong nakaraang linggo ay na-apprubahan na ito,” ani PAI Executive Director Anthony Reyes.

Si Stojanovic, kasal sa isang Pinay na nakabase sa Iloilo City, ay miyembro ng National Team ng Serbia na nanalo ng 18 gintong medalya sa internasyonal na kampeonato mula 1998 hanggang 2010. (HATAW Sports)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …